Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto Spark Gabay sa User

Baterya at pagcha-charge

Ang itatagal ng baterya sa isang pag-charge ay depende sa kung paano mo ginagamit ang iyong headphones at sa kung anong mga kondisyon. Ang mabababang temperatura, halimbawa, ay nakakabawas sa itatagal ng isang pag-charge. Sa pangkalahatan, nababawasan ang kakayahan ng mga rechargeable na baterya sa paglipas ng panahon.

Napupuno na ang baterya ng headphones sa loob ng isang oras, at puwede kang makinig ng hanggang sa 6 oras na musika sa isang pag-charge.

Kapag mahigit 60% ang level ng baterya ng earbuds, magbi-blink ang berdeng LED na ilaw kapag binuksan mo ang charging case.

Kapag mas mababa sa 60% ang level ng baterya ng earbuds, magbi-blink ang orange na LED na ilaw kapag binuksan mo ang charging case.

Kapag mahigit 40% ang level ng baterya ng charging case, magbi-blink ang berdeng LED na ilaw kapag isinara mo ang case.

Kapag mas mababa sa 40% ang level ng baterya ng charging case, magbi-blink ang orange na LED na ilaw kapag isinara mo ang case.

Para makita ang status ng baterya ng iyong headphones, ikonekta ang produkto sa Suunto app. Makikita mo ang status ng baterya sa page ng headphones sa app.

Para i-charge ang iyong headphones, puwede mong gamitin ang ibinigay na USB cable o ang portable powerbank.

USB cable

Kasama sa package ng produkto ang USB charging cable. Para i-charge ang case gamit ang cable, ikonekta ang dulo ng cable sa charging port ng case. Habang nagcha-charge ang case, naka-on ang LED na ilaw. Kapag puno na ang baterya, mamamatay ang LED na ilaw.

Charging case

Para i-charge ang earbuds habang nasa biyahe, may kasamang charging case sa package ng produkto, na nagbibigay ng karagdagang 24 na oras sa baterya.

Bago gamitin ang charging case, kailangan mo itong i-charge gamit ang USB-C cable. Habang nagcha-charge, naka-on ang orange na LED na ilaw sa charging case. Kapag puno na ang baterya, nagiging berde ang LED na ilaw.

Para i-charge ang iyong earbuds gamit ang charing case, ilagay sa case ang earbuds. Awtomatikong kokonekta sa charging case ang earbuds. Kapag nagsimula ang pag-charge, mag-o-on nang isang segundo ang LED na ilaw sa charging case.

WARNING:

Bago mag-charge, tiyaking walang anumang natitirang likido sa charging case. Nakakasira sa earbuds at circuit ng charging case ang likido sa mga charging port.

Table of Content