Maaari kang gumamit ng heart rate sensor na compatible sa Bluetooth® Smart, gaya ng Suunto Smart Sensor, kasama ng iyong Suunto Spartan Sport upang makatanggap ng tumpak na impormasyon tungkol sa tindi ng iyong ehersisyo.
Kung ginagamit mo ang Suunto Smart Sensor, mayroon ka ring dagdag na bentaha dahil sa heart rate memory. Magba-buffer ng data ang sensor memory function kung maantala ang koneksyon sa iyong relo, halimbawa, kapag lumalangoy (walang transmission sa ilalim ng tubig).
Ang ibig din sabihin nito ay maaari mong iwanan ang iyong relo pagkasimula ng isang pagre-record. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring sumangguni sa Gabay ng Gumagamit ng Suunto Smart Sensor.
Kapag walang heart rate sensor, magbibigay ang iyong Suunto Spartan Sport ng impormasyon tungkol sa pagkonsumo ng calorie at tagal ng pag-recover para sa mga aktibidad na pagtakbo kung saan ginagamit ang bilis para tantiyahin ang tindi. Gayunpaman, inirerekomenda naming gumamit ng heart rate sensor para makakuha ng tumpak na mga reading ng tindi.
Sumangguni sa gabay sa user para sa Suunto Smart Sensor o iba pang sensor ng heart rate na compatible sa Bluetooth® Smart para sa karagdagang impormasyon.
Tingnan ang Pagpapares ng mga POD at sensor para sa mga tagubilin tungkol sa kung paano magpapares ng HR sensor sa iyong relo.