Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto Spartan Sport Gabay sa User - 2.6

Suunto app

Gamit ang Suunto app, mas mapapalawig mo pa ang karanasan mo sa paggamit ng Suunto Spartan Sport. Ipares ang iyong relo sa mobile app para i-sync ang iyong mga aktibidad, kumuha ng mga notification sa mobile, i-customize ang iyong relo, kumuha ng mga insight sa pagsasanay at higit pa.

TIP:

Sa anumang ehersisyo na naka-store sa Suunto app, puwede kang magdagdag ng mga larawan pati na gumawa ng mga Relive movie para sa iyong mga sesyon ng pagsasanay.

PAALALA:

Hindi ka makakapagpares ng anuman kung naka-on ang airplane mode. Isara ang airplane mode bago ang pagpapares.

Para ipares ang iyong relo sa Suunto app:

  1. Tiyaking naka-on ang Bluetooth ng iyong relo. Sa ilalim ng menu ng mga setting, pumunta sa Connectivity » Discovery at i-enable ito kung hindi pa ito naka-enable.
  2. I-download at i-install ang Suunto app sa iyong compatible na mobile device mula sa iTunes App Store at Google Play bilang karagdagan sa ilang popular na app store sa China.
  3. Simulan ang Suunto app at i-on ang Bluetooth kung hindi pa ito naka-on.
  4. I-tap ang icon relo sa itaas sa kaliwa ng app screen at pagkatapos ay i-tap ang PAIR para ipares ang iyong relo.
  5. I-verify ang pagpapares sa pamamagitan ng pag-type sa code na ipinapakita sa iyong relo sa app.
PAALALA:

Nangangailangan ang ilang feature ng koneksyon sa internet sa pamamagitan ng Wi-Fi o mobile network. Maaaring may mga singil para sa koneksyon ng carrier data.

Table of Content