Dapat piliin ang profile na altimeter kung kasama ang mga pagbabago sa altitude sa iyong panlabas na aktibidad (hal. pag-akyat sa maburol na landas). Dapat piliin ang profile na Barometer kung walang kasamang pagbabago sa altitude ang iyong panlabas na aktibidad (hal. surfing, sailing). Upang makuha ang mga tamang reading, kailangang mong itugma ang profile sa aktibidad. Maaari mong alinman sa hayaang pagpasyahan ng Suunto Core kung aling profile ang pinakaakma para sa iyo sa ngayon, o maaaring ikaw mismo ang mamili ng akmang profile.
Upang i-set ang profile:
O di kaya, maaari mong i-set ang profile sa Alti & Baro mode sa pamamagitan ng pagpindot sa nang matagal.
Upang i-set ang reperensyang value:
Nagha-hike ka at nagpahinga nang makakita ka ng karatula kung saan nakalagay ang kasalukuyang altitude. Tiningnan mo ang reading ng altitude ng iyong at natuklasan ang maliit na pagkakaiba sa pagitan ng dalawang numero. I-set mo ang reperensyang value ng altitude sa iyong upang tumugma sa karatulang iyon.