Itatakda mo ang oras at petsa sa unang pag-on ng iyong relo. Pagkatapos nito, gagamitin ng iyong relo ang oras ng GPS para itama ang anumang offset.
Kapag nakapares ka na sa Suunto app, makakakuha na ang iyong relo ng updated na oras, petsa, time zone at daylight-saving time mula sa mga mobile device.
Sa Settings, sa ilalim ng General » Time/date, i-tap ang Auto time update para i-on at i-off ang feature.
Maaari mong manual na i-adjust ang oras at petsa mula sa mga setting sa ilalim ng General » Time/date kung saan maaari mo ring baguhin ang mga format ng oras at petsa.
Bukod sa pangunahing oras, maaari ka ring gumamit ng dalawang orasan para subaybayan ang oras sa ibang lokasyon, halimbawa, kung nagbibiyahe ka. Sa General » Time/date, i-tap ang Dual time para itakda ang time zone sa pamamagitan ng pagpili ng lokasyon.
May alarm clock ang iyong relo na maaaring tumunog nang minsan o umulit sa partikular na mga araw. I-activate ang alarm sa mga setting sa Alarm clock.
Para mag-set ng nakatakdang oras ng alarm:
Piliin ang New alarm.
Puwedeng burahin o baguhin ang mga lumang alarm kung pipiliin sa listahan sa Bagong alarm.
Piliin kung gaano kadalas mo gustong tumunog ang alarm. Ang mga opsyon ay:
Once: tutunog ang alarm nang minsan sa susunod na 24 oras sa nakatakdang oras
Weekdays: tutunog ang alarm sa parehong oras mula Lunes hanggang Biyernes
Daily: tutunog ang alarm sa parehong oras bawat araw ng linggo
Itakda ang oras at minuto at pagkatapos ay lumabas sa mga setting.
Kapag tumunog ang alarm, maaari mo itong i-dismiss upang tapusin ang alarm, o maaari mong piliin ang opsyon na snooze. 10 minuto ang tagal ng pag-snooze at maaaring umulit hanggang 10 beses.
Kung hahayaan mong patuloy na tumunog ang alarm, awtomatiko itong mag-i-snooze pagkatapos ng 30 segundo.