Maaari kang mag-navigate sa isang ruta o isang POI habang nagrerekord ng ehersisyo.
Kailangang naka-enable ang GPS sa ginagamit mong sport mode para ma-access ang mga opsyon sa pag-navigate. Kung OK o Good ang katumpakan ng GPS sa sport mode, kapag pumili ka ng isang ruta o POI, mapapalitan ng Best ang katumpakan ng GPS.
Para mag-navigate habang nag-eehersisyo:
Habang nag-eehersisyo, mag-swipe pakanan o pindutin ang gitnang button upang mag-scroll papunta sa display ng nabigasyon kung saan makikita mo ang pinili mong ruta o POI. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa display ng nabigasyon, tingnan ang Pag-navigate sa isang POI at Mga ruta.
Habang nasa display na ito, maaari kang mag-swipe pataas o maaari mong pindutin ang ibabang button para buksan ang iyong mga opsyon sa pag-navigate. Mula sa mga opsyon sa pag-navigate, magagawa mong, halimbawa, pumili ng ibang ruta o POI, tingnan ang mga coordinate ng kasalukuyan mong lokasyon, at tapusin ang pag-navigate sa pamamagitan ng pagpili sa Breadcrumb.
Kung gumagamit ka ng GPS kapag nagre-record ng aktibidad, awtomatikong isini-save ng Suunto Ocean ang puntong pinagsimulan ng iyong ehersisyo. Gamit ang Find back, direkta kang magagabayan ng Suunto Ocean pabalik sa kung saan ka nagsimula.
Para magsimula Find back:
Ipinapakita ang gabay sa pag-navigate sa navigation display.
Sa mga urban na lugar, maaaring mahirapan ang GPS na sundan ka nang wasto. Kung pipiliin mo ang isa sa iyong mga paunang tinukoy na ruta at susundan ang rutang iyon, gagamitin lamang ang GPS ng relo para tukuyin kung nasaan ka sa paunang tinukoy na ruta, at hindi aktuwal na gagawa ng landas mula sa pagtakbo. Ang na-record na pag-track ay magiging kaparehong-kapareho ng rutang ginamit sa pagtakbo.
Para gamitin ang Snap to route habang nag-eehersisyo:
Simulan ang iyong ehersisyo tulad nang karaniwan at sundan ang piniling ruta.