Mahalaga ang magandang tulog sa gabi para sa isang malusog na isip at katawan. Maaari mong gamitin ang iyong relo upang i-track ang iyong pagtulog at subaybayan kung ilan ang average na dami ng oras ng tulog na nakukuha mo.
Kapag isinuot mo ang iyong relo sa pagtulog, ita-track ng Suunto Ocean ang iyong pagtulog batay sa datos ng accelerometer.
Para i-track ang pagtulog:
Puwede mong piliing ilagay ang iyong relo sa Do Not Disturb mode sa oras ng pagtulog mo at piliin din kung gusto mong sukatin ang iyong Blood oxygen at HRV tracking habang natutulog ka.
Kapag na-enable mo na ang pag-track ng pagtulog, maaari mo ring itakda ang iyong target na tulog. Kailangan ng isang karaniwang adult ng 7 hanggang 9 na oras ng tulog sa isang araw, bagaman maaaring iba ang iyong ideyal na tagal ng tulog kaysa sa karaniwan.
Pagkagising mo, may bubungad sa iyong buod ng iyong pagtulog. Kasama sa buod, halimbawa, ang kabuuang durasyon ng iyong pagtulog, pati na rin ang tinantyang oras na gising ka (gumagalaw-galaw) at ang oras na nasa malalim kang pagtulog (walang paggalaw).
Karagdagan pa sa buod ng pagtulog, maaari mong subaybayan ang iyong pangkalahatang trend sa pagtulog gamit ang sleep widget. Sa watch face, mag-swipe pataas o pindutin ang ibabang button hanggang sa makita mo ang Sleep widget. Ipinapakita ng unang view ang iyong huling pagtulog at ang isang graph ng nakalipas na pitong araw.
Habang nasa sleep widget, maaari kang mag-swipe pataas upang makita ang mga detalye ng iyong huling pagtulog.
Batay lamang sa paggalaw ang lahat ng mga pagsukat sa pagtulog, kaya mga pagtatantya ang mga ito na maaaring hindi sumasalamin sa aktwal mong mga nakagawian sa pagtulog.
Kapag isinuot mo ang iyong relo sa gabi, maaari kang makakuha ng karagdagang feedback tungkol sa tibok ng iyong puso, HRV, at antas ng oxygen sa dugo habang natutulog.
Maaari mong gamitin ang awtomatikong Do Not Disturb na setting para awtomatikong i-enable ang Do Not Disturb mode habang natutulog ka.