Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto Spartan Trainer Wrist HR Gabay sa User - 2.6

Katumpakan at pagtitipid ng baterya ng GPS

Inaalam ng GPS fix rate ang katumpakan ng iyong track - kung mas maikli ang interval sa pagitan ng mga fix, mas magiging tumpak ang track. Nire-record ang bawat GPS fix sa iyong log kapag nagre-record ng ehersisyo.

Direkta ring naaapektuhan ng GPS fix rate ang itatagal ng baterya. Kapag binawasan ang katumpakan ng GPS, mas mapapahaba mo ang itatagal ng baterya ng iyong relo.

Ang mga opsyon sa katumpakan ng GPS ay:

  • Pinakamabuti: ~ 1 seg na fix rate
  • Mabuti: ~ 20 seg na fix rate
  • OK: ~ 60 seg na fix rate

Maaari mong baguhin ang katumpakan ng GPS mula sa mga opsyon ng sport sa iyong relo.

Sa tuwing nagna-navigate ka ng ruta o ng POI, awtomatikong itatakda sa Pinakamahusay ang katumpakan ng GPS.

PAALALA:

Sa unang pagkakataon na mag-eehersisyo o magna-navigate ka gamit ang GPS, hintaying makakuha ang relo ng GPS fix bago ka magsimula. Maaari itong tumagal nang 30 segundo o higit pa depende sa mga kondisyon.

Table of Content