Suunto Ambit2 R ay akma sa Suunto ANT Comfort Belt.
I-adjust ang haba ng strap para mahigpit ang heart rate belt ngunit komportable pa rin. Basain ng kaunti ang mga contact area gamit ang tubig o gel at isuot ang heart rate belt. Tiyaking nakagitna sa iyong dibdib ang heart rate belt at nakaturo sa itaas ang pulang arrow.
Ang mga taong may pacemaker, defibrilator, o iba pang naka-implant na elektronikong aparato ay gagamit ng HR belt ayon sa sarili nilang kapahamakan o pagpapasya. Bago simulan ang unang paggamit sa heart rate belt, inirerekomenda namin ang isang pagsusuring ehersisyo na pinangangasiwaan ng isang doktor. Tinitiyak nito ang pagiging ligtas at pagkamaaasahan ng pacemaker at heart rate belt kapag ginagamit nang magkasabay. Maaaring may kasamang peligro ang ehersisyo, lalo na para sa mga hindi naging aktibo. Mahigpit ka naming pinapayuhan na magpatingin sa iyong doktor bago simulan ang isang regular na programa ng pag-eehersisyo.
Suunto Ambit2 R ay hindi makakatanggap ng signal ng heart rate belt sa ilalim ng tubig.
Labhan sa washing machine ang heart rate belt nang regular pagkatapos gamitin para maiwasan ang hindi kanais-nais na amoy at para matiyak ang magandang kalidad ng data at paggana. Labhan lamang ang strap na gawa sa tela.
Suunto Ambit2 R ay sumusuporta sa mga ANT+