Suunto Ambit3 Run Gabay sa User - 2.5
Oras
Ipinapakita sa display ng oras sa iyong Suunto Ambit3 Run ang sumusunod na impormasyon:
- itaas na row: petsa
- gitnang row: oras
- ibabang row: palitan gamit ang upang ipakita ang karagdagang impormasyon gaya ng araw ng linggo, dalawahang oras at level ng baterya.

Para puntahan ang mga setting ng oras:
- Pindutin nang matagal ang upang makapasok sa menu ng mga opsyon.
- Pindutin ang upang makapasok sa general (pangkalahatan).
- Mag-scroll sa Time/date (Oras/petsa) gamit ang at pumasok gamit ang .
Sa ilalim ng menu ng Time/date (Oras/petsa), maaari mong mai-set ang mga sumusunod:
- Oras
- Petsa
- Timekeeping ng GPS
- Dalawahang oras
- Alarm
Upang baguhin ang mga setting ng oras:
- Sa Time/date (Oras/petsa) menu, mag-scroll sa gustong setting gamit ang o at piliin ang setting gamit ang .
- Baguhin ang mga value gamit ang at at tanggapin gamit ang .
- Bumalik sa nakaraang menu gamit ang , o pindutin nang matagal ang para lumabas.

Alarm clock
Maaari mong gamitin ang iyong Suunto Ambit3 Run bilang isang alarm clock.
Para puntahan ang alarm clock at i-set ang alarma:
- Sa menu ng mga opsyon, pumunta sa General(Pangkalahatan), at pagkatapos sa Time/date(Oras/petsa) at sa Alarm(Alarma).
- I-set ang alarma sa naka-on o naka-off gamit ang o . I-accept gamit ang .
- I-set ang oras at minuto gamit ang at . I-accept gamit ang .
- Bumalik sa mga setting gamit ang , o pindutin nang matagal ang para lumabas mula sa menu ng mga opsyon.

Kapag naka-on ang alarma, lilitaw ang simbolo ng alarma sa karamihan ng mga display.
Kapag tumunog ang alarma, maaari mong:
- Piliin ang Snooze(Mag-snooze) sa pamamagitan ng pagpindot sa . Ang alarma ay titigil at magsisimula ulit kada limang minuto hanggang sa itigil mo ito. Maaari kang mag-snooze nang hanggang 12 beses sa kabuuang 1 oras.
- Piliin ang Stop(Itigil) sa pamamagitan ng pagpindot sa . Ang alarma ay hihinto at muling tutunog sa parehong oras kinabukasan, maliban na lang kung io-off mo ito sa mga setting.

Kapag nag-snooze, kukurap ang icon ng alarma sa Time na dispaly.
Pagsi-sync ng oras
Maa-update ang iyong Suunto Ambit3 Run na oras sa pamamagitan ng iyong mobile phone, computer (Suuntolink) o oras sa GPS.
Kapag ikinonekta mo ang iyong relo sa computer gamit ang USB cable, ia-update ng Suuntolink bilang default ang oras at petsa sa iyong relo ayon sa orasan sa computer.
GPS timekeeping
Itinatama ng GPS timekeeping ang diperensya sa pagitan ng iyong Suunto Ambit3 Run at ng oras sa GPS. Awtomatikong tinatama ng GPS ang oras minsan bawat araw, o matapos mong manu-manong maayos ang oras. Itinatama rin ang dalawahang oras.
Tinatama ng timekeeping ng GPS ang mga minuto at segundo, ngunit hindi ang mga oras.
Tinatama ng timekeeping ng GPS nang tumpak ang oras, kung mas mababa sa 7.5 minuto ang mali nito. Kung mahigit doon ang mali sa oras, itatama ito ng timekeeping ng GPS sa pinakamalapit na 15 minuto.
Naka-activate ang GPS timekeeping bilang default. Para i-deactivate ito:
- Sa menu ng mga opsyon, pumunta sa Pangkalahatan, pagkatapos ay sa Oras/petsa at GPS timekeeping.
- I-on o i-off ang GPS timekeeping gamit ang at . Tanggapin gamit ang .
- Bumalik sa mga setting gamit ang , o panatilihing nakapindot ang para lumabas.