Madali at simple lang ang pagsisimula sa iyong Suunto Spartan Trainer Wrist HR sa unang pagkakataon.
Ikonekta ang iyong relo sa isang power source gamit ang kasamang USB cable upang gisingin ang relo.
Idiskonekta ang cable sa relo.
Pindutin ang middle button upang simulan sa wizard ng pag-setup.
Piliin ang iyong wika sa pamamagitan ng pagpindot sa button sa kanang bahagi sa itaas o sa kanang bahagi sa ibaba at kumpirmahin gamit ang button sa gitna.
Sundin ang wizard upang kumpletuhin ang mga paunang setting. Pindutin ang upper right o lower right button upang magpalit ng mga value at pindutin ang middle button upang pumili at pumunta sa susunod na hakbang.
Kapag tapos na ang wizard, i-charge ang relo gamit ang kasamang USB cable hanggang sa puno na ang charge ng baterya.
Kailangan mong i-download at i-install ang SuuntoLink sa iyong PC o Mac upang kumuha ng mga software update para sa iyong relo. Lubusan naming inirerekomenda ang pag-a-update ng iyong relo kapag available na ang bagong release ng software.
Ino-optimize din ng SuuntoLink ang performance ng GPS ng iyong relo. Kailangan mong ikonekta ang iyong relo sa SuuntoLInk nang regular upang masiguro ang magandang GPS tracking.