Suunto Spartan Ultra gumagamit ng barometric pressure upang sukatin ang altitude. Upang makakuha ng mga tumpak na reading, kailangan mong tukuyin ang reference point ng altitude. Maaaring ito ay ang kasalukuyang taas ng kung nasaan ka kung alam mo ang esaktong value. O kaya naman, maaari mong gamitin ang FusedAlti (tingnan ang FusedAlti) upang awtomatikong itakda ang iyong reference point.
Itakda ang iyong reference point sa mga setting sa ilalim ng Outdoor (Outdoor).
Ang FusedAlti
Bilang default, sinusukat ang altitude gamit ang FusedAlti sa mga pag-e-ehersisyo na gumagamit ng GPS at habang nagna-navigate. Kapag naka-off ang GPS, ang altitude ay sinusukat gamit ang barometric sensor.