Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto Spartan Ultra Gabay sa User - 2.6

Backlight

May dalawang mode ang backlight: awtomatiko at toggle. Sa awtomatikong mode, iilaw ang backlight sa anumang pagpindot sa screen o pagpindot sa button.

PAALALA:

Kapag naging idle ang relo sa loob ng 60 segundo o higit pa, maa-activate lang backlight sa pamamagitan ng pagpindot sa button.

Sa toggle mode, io-on mo ang backlight sa pamamagitan ng pag-tap gamit ang dalawang daliri. Mananatiling naka-on ang backlight hanggang sa muli kang mag-tap gamit ang dalawang daliri.

Bilang default, ang backlight ay nasa awtomatikong mode. Maaari mong baguhin ang backlight mode gayundin ang liwanag ng backlight mula sa mga setting sa ilalim ng General (General) » Backlight (Backlight).

PAALALA:

Nakakaapekto ang liwanag ng backlight sa itatagal ng baterya. Kapag mas maliwanag ang backlight, mas mabilis ang pagkaubos ng baterya.

Standby na backlight

Kapag hindi mo aktibong ginagamit ang relo sa pamamagitan ng pagpindot sa screen o pagpindot sa mga button, magiging standby ang mode ng relo pagkalipas ng isang minuto. Naka-on ang display, ngunit mas kaunti ang liwanag nito, maaaring hindi madaling mababasa ang screen.

Upang mas makapagbasa sa mas kaunting liwanag, maaari mong gamitin ang standby na backlight. Isa itong backlight na mas kaunti ang liwanag na naka-on sa lahat ng oras.

Maaari mong i-toggle on o off ang standby na backlight mula sa mga setting sa ilalim ng General (General) » Backlight (Backlight) » Standby (Standby).

Kahit na mas kaunti ang liwanag ng standby na backlight, nakababawas ito sa pangkalahatang itatagal ng baterya dahil naka-on ito sa lahat ng oras.

Table of Content