Ang mga interval na ehersisyo ay isang karaniwang anyo ng pagsasanay na binubuo ng paulit-ulit na mga set ng mga high at low intensity na pagsisikap. Sa Suunto Spartan Ultra, maaari mong tukuyin sa relo ang iyong sariling interval training para sa bawat sport mode.
Kapag tinutukoy ang iyong mga interval, mayroon kang apat na item na ise-set:
Isaisip na kung gagamitin mo ang distansya upang tukuyin ang iyong mga interval, kailangan ay nasa isa kang sport mode na sumusukat ng distansya. Ang pagsukat ay maaaring batay sa GPS, o mula sa isang foot o bike POD, halimbawa.
Kung gumagamit ka ng mga interval, hindi mo maaaring i-activate ang navigation.
Upang magsanay gamit ang mga interval:
I-toggle on ang mga interval at ayusin ang mga setting na inilarawan sa itaas.
Mag-scroll pabalik hanggang sa start view at simulan ang iyong ehersisyo bilang normal.
Mag-swipe pakaliwa o pindutin ang middle button hanggang sa maabot mo ang display ng mga interval at pindutin ang upper button kapag handa ka nang simulan ang iyong interval training.
Kung nais mong itigil ang interval training bago mo makumpleto ang lahat ng iyong mga pag-uulit, panatilihing nakapindot ang middle button upang buksan ang mga opsyon ng sport mode at i-toggle off Intervals (Mga interval).
Habang ikaw ay nasa display ng mga interval, gagana nang normal ang mga button, halimbawa, ipo-pause ng pagpindot sa upper button ang pag-record ng ehersisyo, hindi lang ang interval training.
Pagkatapos mong ihinto ang iyong pag-record ng ehersisyo, ang interval training ay awtomatikong mai-toggle off para sa sport mode na iyan. Gayunpaman, ang iba pang mga setting ay mananatili para maaari mong madaling simulan ang parehong pag-eehersisyo sa susunod na gagamitin mo ang sport mode.