Suunto 9 - Pagsisimula - Pag-adjust ng mga setting
Find a dealer/service center

Suunto 9 Gabay sa User

Pag-adjust ng mga setting

Pag-adjust ng mga setting

Maaari mong direktang i-adjust sa relo ang lahat ng setting ng relo.

Para mag-adjust ng setting:

  1. Mag-swipe pababa hanggang sa makita mo ang icon ng mga setting at i-tap ang icon.

Settings icon Spartan

  1. Mag-scroll hanggang sa menu ng mga setting sa pamamagitan ng pag-swipe pataas o pababa o sa pamamagitan ng pagpindot sa button sa itaas o ibaba.

Settings menu Spartan

  1. Pumili ng setting sa pamamagitan ng pag-tap sa pangalan ng setting o pagpindot sa button sa gitna kapag naka-highlight ang setting. Bumalik sa menu sa pamamagitan ng pag-swipe pakanan o sa pagpili sa Back.
  2. Para sa mga setting na may value ng range, palitan ang value sa pamamagitan ng pag-swipe pataas o pababa o sa pamamagitan ng pagpindot sa button sa kanang bahagi sa itaas o sa ibaba.

Backlight mode Spartan

  1. Para sa mga setting na may dalawang value lang, gaya ng naka-on o naka-off, palitan ang value sa pamamagitan ng pag-tap sa setting o pagpindot sa button sa gitna.

24hour time

TIP:

Maaari mo ring i-access ang mga pangkalahatang setting mula sa watch face sa pamamagitan ng pagpindot nang matagal sa button sa gitna upang buksan ang menu ng mga shortcut.

InContext menu Spartan