Suunto 9 - Pagsisimula - SuuntoLink
Find a dealer/service center

Suunto 9 Gabay sa User

SuuntoLink

I-download at i-install ang SuuntoLink sa iyong PC o Mac para i-update ang software ng iyong relo.

Lubusan naming inirerekomenda ang pag-a-update ng iyong relo kapag available na ang bagong release ng software. Kung may available na update, aabisuhan ka sa pamamagitan ng SuuntoLink at gayundin ng Suunto app.

Bumisita sa www.suunto.com/SuuntoLink para sa higit pang impormasyon.

Para i-update ang software ng iyong relo:

  1. I-plug ang iyong relo sa computer gamit ang kasamang USB cable.
  2. Simulan ang SuuntoLink kung hindi pa ito gumagana.
  3. I-click ang button na i-update sa SuuntoLink.