Suunto 9 - Mga Feature - Pag-record ng isang ehersisyo
Find a dealer/service center

Suunto 9 Gabay sa User

Pag-record ng isang ehersisyo

Pag-record ng isang ehersisyo

Bilang karagdagan sa 24/7 na pagsubaybay sa aktibidad, maaari mong gamitin ang iyong relo upang i-record ang iyong mga sesyon sa pagsasanay o iba pang mga aktibidad upang kumuha ng detalyadong feedback at sundan ang iyong pagsulong.

Para mag-record ng ehersisyo:

  1. Isuot ang sensor ng heart rate (opsyonal).
  2. Mag-swipe pababa o pindutin ang itaas na button para buksan ang launcher.
  3. I-tap ang exercise icon o pindutin ang middle button.

    Exercise icon Spartan

  4. Mag-swipe ng pataas o pababa upang mag-scroll sa mga sport mode at mag-tap sa isa na gusto mong gamitin. O kaya, mag-scroll gamit ang upper at lower button at pumili gamit ang middle button.

  5. Sa itaas ng start indicator, may lalabas na hanay ng mga icon, depende sa ginagamit mo sa sport mode (gaya ng heart rate at nakakonektang GPS). Magfa-flash ang arrow icon (nakakonektang GPS) na kulay gray habang naghahanap at magiging berde kapag nakakita na ng signal. Magfa-flash ang icon na puso (heart rate) nang kulay gray habang naghahanap at kapag nakahanap na ito ng signal, magiging berdeng hugis puso itong nakakabit sa belt kung gumagamit ka ng heart rate sensor o berde kung gumagamit ka ng optical heart rate sensor.

    Kung gumagamit ka ng heart rate sensor pero naging berde lang ang icon (ibig sabihin, aktibo ang optical heart rate sensor), tingnan kung nakapares ang heart rate sensor, tingnan ang Pagpapares ng mga POD at sensor, at piliing muli ang sport mode.

    Maaari kang maghintay na maging berde ang bawat icon o magsimulang mag-record agad kung gusto mo sa pamamagitan ng pagpindot sa middle button.

    Running mode start

  6. Habang nagre-record, maaari mong pagpalit-palitin ang mga display gamit ang middle button o sa pamamagitan ng paggamit sa touch screen kung naka-enable ito.

  7. Pindutin ang upper button upang i-pause ang pagre-record. Ihinto at i-save gamit ang ibabang button o ipagpatuloy gamit ang itaas na button.

    Recording paused Spartan

Kung may mga opsyon ang sport mode na pinili mo, gaya ng pagtatakda ng target na tagal, maaari mong i-adjust ang mga iyon bago simulan ang pag-record sa pamamagitan ng pag-swipe pataas o pagpindot sa lower button. Maaari mo ring i-adjust ang mga opsyon sa sport mode habang nagre-record sa pamamagitan ng pagpindot nang matagal sa middle button.

TIP:

Habang nagre-record, maaari kang mag-tap sa screen upang palabasin ang pop-up na nagpapakita ng kasalukuyang oras at level ng baterya.

Kung gumagamit ka naman ng multisport mode, magpalit ng mga sports sa pamamagitan ng pagpindot nang matagal sa upper button.

Pagkatapos mong ihinto ang pag-record, tatanungin ka kung ano ang nararamdaman mo. Maaari kang sumagot o laktawan ang tanong. (Tingnan ang Feeling) Pagkatapos, makakakuha ka ng buod ng aktibidad na maaari mong i-browse sa pamamagitan ng touch screen o mga button.

Kung may nai-record ka na ayaw mong i-save, maaari mong i-delete ang log entry sa pamamagitan ng pag-scroll sa ibaba ng buod at pag-tap sa delete button. Maaari mo ring i-delete ang mga log sa parehong paraan mula sa logbook.

Log delete

Paggamit ng mga target kapag nag-eehersisyo

Posibleng magtakda ng iba't ibang target gamit ang iyong Suunto 9 kapag nag-eehersisyo.

Kung may opsyon na mga target ang sport mode na pinili mo, maaari mong i-adjust ang mga iyon bago simulan ang pag-record sa pamamagitan ng pag-swipe pataas o pagpindot sa lower button.

Sportmode Targets Spartan

Para mag-ehersisyo nang may pangkalahatang target:

  1. Bago mo simulan ang isang pag-record ng ehersisyo, mag-swipe pataas o pindutin ang lower button para buksan ang mga opsyon sa sport mode.
  2. I-tap ang Targets o pindutin ang middle button.
  3. I-toggle sa naka-on ang General.
  4. Piliin ang Duration o Distance.
  5. Pumili ng iyong target.
  6. Mag-swipe pakanan para bumalik sa mga opsyon ng sport mode.

Kapag na-activate mo ang mga pangkalahatang target, ipapakita ang isang target gauge sa lahat ng display ng data na nagpapakita ng iyong pagsulong.

ZoneDisplay Progress Spartan

Makakatanggap ka rin ng notification kapag naabot mo ang 50% ng iyong target at kapag nagawa mo na ang pinili mong target.

Para mag-ehersisyo nang may target na intensity:

  1. Bago mo simulan ang isang pag-record ng ehersisyo, mag-swipe pataas o pindutin ang lower button para buksan ang mga opsyon sa sport mode.
  2. I-tap ang Targets o pindutin ang middle button.
  3. I-toggle sa naka-on ang Intensity.
  4. Piliin ang Heart rate, Pace o Power.
    (Depende ang mga opsyon sa piniling sport mode at kung may nakapares kang power pod sa relo).
  5. Piliin ang iyong target na zone.
  6. Mag-swipe pakanan para bumalik sa mga opsyon ng sport mode.

Pag-navigate habang nag-eehersisyo

Maaari kang mag-navigate sa isang ruta o POI habang nagre-record ng isang ehersisyo.

Kailangang i-enable ang GPS sa ginagamit mong sport mode upang ma-access mo ang mga opsyon sa navigation. Kung OK o Tumpak ang katumpakan ng GPS sa sport mode, kapag pumili ka ng ruta o POI, mapapalitan ang katumpakan ng GPS at magiging Napakatumpak.

Upang mag-navigate habang nag-eehersisyo:

  1. Gumawa ng isang ruta o POI sa account mo online at i-sync ang iyong relo kung hindi mo pa ito nagagawa.
  2. Pumili ng sport mode na gumagamit ng GPS at pagkatapos ay mag-swipe pataas o pindutin ang button sa ibaba upang buksan ang mga opsyon. O kaya naman, simulan muna ang pag-record, at saka pindutin nang matagal ang button sa gitna upang buksan ang mga opsyon ng sport mode.
  3. Mag-scroll papunta sa Navigation at i-tap ang setting o pindutin ang button sa gitna.
  4. Mag-swipe pataas at pababa o pindutin ang button sa itaas at ibaba upang pumili ng opsyon at pindutin ang button sa gitna.
  5. Piliin ang ruta o ang POI na gusto mong i-navigate at pagkatapos ay pindutin ang button sa gitna. Pagkatapos ay pindutin ang button sa itaas upang simulan ang pag-navigate.

Kung hindi mo pa nasisimulan ang pag-record ng ehersisyo, ididirekta ka ng huling hakbang sa mga opsyon sa sport mode. Mag-scroll pataas papuntang start view at simulan ang iyong pagre-record gaya ng palagi mong ginagawa.

Habang nag-eehersisyo, mag-swipe pakanan o pindutin ang gitnang button upang mag-scroll papunta sa display ng navigation kung saan makikita mo ang pinili mong ruta o POI. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa display ng navigation, tingnan ang Pag-navigate sa isang POI: at Mga Ruta.

Habang nasa display na ito, maaari kang mag-swipe pataas o pumindot sa pababang button upang buksan ang iyong mga opsyon sa navigation. Mula sa mga opsyon sa navigation, maaari kang, halimbawa, pumili ng ibang ruta o POI, tingnan ang mga coordinate ng kasalukuyan mong lokasyon, pati na rin ang tapusin ang navigation sa pamamagitan ng pagpili sa Breadcrumb.