Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto Vertical Gabay sa User

Paglalangoy

Maaari mong gamitin ang iyong Suunto Vertical para sa paglalangoy sa mga pool o sa openwater.

Kapag gumagamit ka ng sport mode na paglalangoy sa pool, pinagbabasehan ng relo ang haba ng pool para malaman ang distansya. Maaari mong baguhin ang haba ng pool, kung kailangan, sa ilalim ng mga opsyon sa sport mode bago mo simulan ang paglangoy.

Dumedepende ang paglangoy sa openwater sa GPS upang kalkulahin ang distansya. Dahil hindi tumatagos ang GPS signal sa ilalim ng tubig, kailangang iahon ang relo sa tubig paminsan-minsan, gaya ng sa freestyle stroke, upang makakuha ng GPS fix.

Mahirap ang mga kundisyong ito para sa GPS, kaya mahalaga na may malakas kang signal ng GPS bago ka lumusong sa tubig. Upang matiyak na may mahusay kang GPS, dapat na:

  • I-sync ang iyong relo sa account mo online bago ka lumangoy upang ma-optimize ang iyong GPS sa pamamagitan ng pinakabagong satellite orbit data.
  • Pagkapili mo ng sport mode na paglangoy sa openwater at nakakuha na ng GPS signal, maghintay ng kahit tatlong minuto lang bago magsimula sa paglangoy. Magbibigay ito ng panahon sa GPS na makakuha ng magandang pagpoposisyon.

Table of Content