Maaari mong gamitin ang iyong Suunto Vertical para sa snorkeling at mermaid diving. Ang dalawang aktibidad na ito ay mga normal na sport mode at napipili gaya ng anumang ibang sport mode, tingnan ang Pagrerekord ng ehersisyo.
Kayang sukatin ng Suunto Vertical ang hanggang sa 10 m na lalim. Gayunpaman, waterproof ito hanggang sa lalim na 100 m ayon sa ISO 22810.
May apat na display ng ehersisyo ang mga sport mode na ito na nagpo-pokus sa data na may kaugnayan sa pagsisid. Ang apat na display ng ehersisyo ay ang:
Surface
Nabigasyon
Sesyon ng pagsisid
Underwater
Hindi naka-activate ang touch screen kapag nasa ilalim ng tubig ang relo.
Ang Surface view ang default na view para sa Snorkeling at Mermaiding. Habang nagre-record ng ehersisyo, maaari kang mag-browse sa iba't ibang view sa pamamagitan ng pagpindot sa gitnang button.
Suunto Verticalawtomatikong nagpapalipat-lipat sa surface at dive state. Kung ikaw ay nasa higit sa 1 m (3.2ft) sa ilalim ng surface, naa-activate ang underwater na view.
Kapag ginagamit ang Snorkeling mode, umaasa ang relo sa GPS para sukatin ang distansya. Dahil hindi tumatagos ang GPS signal sa ilalim ng tubig, kailangang iahon ang relo sa tubig paminsan-minsan upang makakuha ng GPS fix.
Mahirap ang mga kondisyong ito para sa GPS, kaya mahalagang malakas ang GPS signal mo bago ka lumusong sa tubig. Para matiyak na malakas ang iyong GPS, dapat mong:
Pagkapili mo ng Snorkeling mode, maghintay ng kahit tatlong minuto bago magsimula sa iyong aktibidad. Bibigyan nito ang GPS ng panahon para magkaroon ng magandang posisyon.
Sa snorkeling, inirerekomenda naming ilagay mo ang iyong mga kamay sa ibabang bahagi ng iyong likod para sa maayos na paggalaw ng tubig at pinakamainam na pasukat ng distansya.
Suunto Verticalay hindi para sa mga sertipikadong scuba diver. Maaaring i-expose ng panlibangang scuba diving ang diver sa mga lalim at mga kondisyong may posibilidad na pataasin ang panganib ng decompression sickness (DCS) at mga pagkakamali na maaaring humantong sa malubhang pinsala o kamatayan. Ang mga sinanay na diver ay dapat palaging gumamit ng isang dive computer na binuo para sa mga layunin ng scuba diving.