Ang touch screen at mga button
Suunto Spartan Sport Wrist HR ay may touch screen at tatlong button na magagamit mo sa pag-navigate sa mga display at feature.
Mag-swipe at mag-tap
- mag-swipe pataas o pababa para mag-navigate sa loob ng mga display at menu
- mag-swipe pakanan at pakaliwa para magpalipat-lipat sa mga display
- mag-swipe pakaliwa o pakanan para makakita ng mga karagdagang display at detalye
- mag-tap para piliin ang isang item
- i-tap ang display para tumingin ng kahaliling impormasyon
- mag-tap nang matagal para buksan ang in-context na menu ng mga opsyon
- mag-tap nang dalawang beses para bumalik sa display ng oras mula sa ibang display
Itaas na button
- pindutin para pumunta pataas sa mga view at menu
Middle button
- pindutin para piliin ang isang item
- pindutin para palitan ang mga display
- pindutin ng matagal para bumalik sa menu ng mga setting
- pindutin nang matagal para buksan ang menu ng mga opsyon na in-context
Ibabang button
- pindutin para pumunta pababa sa mga view at menu
Habang nagre-record ng ehersisyo:
Itaas na button
- pindutin para i-pause o ituloy ang pag-record
- pindutin nang matagal para magbago ng aktibidad
Middle button
- pindutin para palitan ang mga display
- pindutin nang matagal para makapasok sa menu ng mga opsyon na in-context.
Ibabang button
- pindutin para magtanda ng isang lap
- pindutin nang matagal para i-lock at i-unlock ang mga button