Mahalaga ang magandang aerobic fitness para sa pangkalatan mong kalusugan, well-being at performance sa sports.
Tinutukoy ang antas ng iyong aerobic fitness bilang VO2max (maximal na konsumo ng oxygen), isang napakakilalang sukat ng aerobic endurance capacity. Sa ibang salita, ipinapakita ng VO2max kung gaano kahusay magagamit ng iyong katawan ang oxygen. Mas mataas ang VO2max, mas mahusay mong magagamit ang oxygen.
Batay ang pagtatantya ng iyong fitness level sa pagtukoy ng tugon ng iyong bilis ng tibok ng puso sa bawat na-record na workout ng pagtakbo o paglalakad. Para matantya ang iyong fitness level, mag-record ng pagtakbo o paglalakad sa tagal na kahit 15 minuto habang suot ang iyong Suunto 5.
Makakapagbigay ang iyong relo ng pagtantya ng iyong fitness level para sa lahat ng workout na pagtakbo at paglalakad.
Ipinapakita ang kasalukuyan mong tantyang fitness level sa display ng fitness level. Mula sa watch face, pindutin ang lower right button para mag-scroll papunta sa display ng fitness level.
Kung hindi pa nakukuha ng iyong relo ang iyong fitness level, bibigyan ka ng karagdagang tagubilin ng display ng fitness level.
Gumaganap ng papel ang historical data, mula sa na-record na mga workout na pagtakbo at paglalakad, sa pagtiyak sa katumpakan ng iyong VO2max na pagtatantya. Kung mas marami kang na-record na aktibidad gamit ang iyong Suunto 5, mas magiging tumpak ang iyong VO2max na pagtatantya.
May ikawalo na fitness level, mula sa mababa hanggang sa mataas: nVery poor, Poor, Fair, Average, Good, Very good, Excellent at Superior. Depende ang value sa iyong edad at kasarian at kung mas mataas ang value na mayroon ka, mas maganda ang iyong fitness level.
Pindutin ang button sa kaliwang bahagi sa itaas para makita ang iyong tinatantyang fitness age. Ang fitness age ay isang metric value na muling umaalam sa iyong VO2max value may kaugnayan sa edad. Makakatulong sa iyo ang regular na pagsasagawa ng mga tamang uri ng pisikal na aktibidad na pataasin ang VO2max value mo at pababain ang iyong fitness age.
Kung huhusay ba ang iyong VO2max ay talagang nakadepende sa isang indibidwal at sa mga salik gaya ng edad, kasarian, genetics at background sa pagsasanay. Kung talagang fit ka na, magiging mas mabagal ang pagpapataas pa ng iyong fitness level. Kung kasisimula mo pa lang mag-ehersisyo nang regular, maaari kang makakita ng mabilis na pagtaas sa fitness level.