Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto 5 Gabay sa User

Stress at pag-recover

Magandang palatandaan ng antas ng enerhiya ng iyong katawan ang mga resource at katumbas nito ang kung gaano mo kaepektibong kakayanin ang stress at haharapin ang mga hamon.

Ginagamit ng stress at pisikal na aktibidad ang iyong mga resource, habang ibinabalik naman ang mga ito ng pahinga at pag-recover. Mahahalagang bahagi ang magandang pagtulog ng pagtiyak na mayroon ang iyong katawan ng mga kailangan nitong resource.

Kapag matataas ang antas ng iyong resource, malamang na maganda at malakas ang iyong pakiramdam. Kung tatakbo ka kapag matataas ang iyong resource, magiging mahusay ang iyong pagtakbo, dahil mayroon ang iyong katawan ng enerhiyang kailangan nito para umangkop, at humusay bilang resulta.

Kung mata-track mo ang iyong mga resource, magagawa mong matalinong pamahalaan at gamitin ang mga ito. Maaari mo ring gamitin ang iyong mga antas ng resource bilang gabay sa pagtukoy ng mga salik sa stress, estratehiya sa pag-boost ng personal na epektibong pag-recover, at epekto ng magandang nutrisyon.

Gumagamit ang stress at pag-recover ng mga reading ng optical heart sensor at para makuha ang mga iyon sa isang araw, dapat naka-enable ang pang-araw-araw na HR, tingnan ang Pang-araw-araw na HR.

Mahalaga na ang iyong Max HR at Rest HR ay nakatakdang tumugma sa bilis ng tibok ng iyong puso para masiguro na tumpak na mga reading ang makukuha mo. Bilang default, nakatakda ang Rest HR sa 60 bpm at ang Max HR ay nakabase sa iyong edad.

Madaling mababago ang mga value ng HR sa mga setting sa ilalim ng GENERAL -> PERSONAL.

TIP:

Gamitin ang pinakamabang reading ng bilis ng tibok ng puso na nasukat habang natutulog ka bilang iyong Rest HR.

Pindutin ang kanang button sa ibaba para mag-scroll papunta sa display ng stress at pag-recover.

SF3 RecoveryDisplay

Ang gauge sa palibot ng display na ito ay nagpapakita ng iyong pangkalahatang antas ng resource. Kung kulay berde ito, ibig sabihin, nakaka-recover ka na. Sinasabi sa iyo ng indicator ng status at oras ang kasalukuyan mong kalagayan (aktibo, hindi aktibo, nagre-recover o stressed) at hindi kung gaano ka na katagal sa kalagayan iyon. Halimbawa, sa screenshot na ito, nagre-recover ka na sa loob ng nakaraang apat na oras.

Pindutin ang gitnang button para makakita ng bar chart ng iyong mga resource sa loob ng nakaraang 16 na oras.

SF3 Resources Graph

Ipinapakita ng berdeng bar ang mga panahon kung kailan nakaka-recover ka na. Ang value sa porsyento ay isang pagtatantya ng kasalukuyang antas ng iyong resource.

Table of Content