Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto 5 Gabay sa User

Gabay sa naiaangkop na pagsasanay (adaptive training guidance)

Awtomatikong bumubuo ang iyong Suunto 5 ng 7 araw na plano ng pagsasanay para tulungan kang panatilihin, pahusayin, o paigtingin ang iyong aerobic fitness. Iba-iba ang mga lingguhang load ng pagsasanay at intensity ng workout sa tatlong programa ng pagsasanay.

Piliin ang iyong layunin sa fitness:

S3F Select Goal

Piliin ang opsyong “maintain” (panatilihin) kung medyo fit ka na at gusto mong panatilihin ang iyong fitness level sa kasalukuyan. Makakatulong din ang opsyong ito sa mga taong nagsisimula pa lang sa regular na pag-eehersisyo. Kapag nakapagsimula ka na, maaari mong baguhin ang programang sinusunod mo at gawin itong mas mahirap anumang oras.

Naka-target ang opsyong “improve“ (pahusayin) sa pagpapahusay ng iyong aerobic fitness sa pamamagitan ng katamtamang curve ng pag-usad. Kung gusto mong pahusayin ang iyong fitness nang mas mabilis, piliin ang programang “boost” (paigtingin). Dito, magiging mas mabigat ang mga workout at mas mabilis kang makakakuha ng mga resulta.

Binubuo ang plano ng pagsasanay ng mga nakaplanong ehersisyo na may target na tagal at intensity. Pinaplano ang bawat ehersisyo nang may layuning tulungan kang panatilihin at unti-unting pahusayin ang iyong fitness nang hindi lubos na ini-stress ang iyong katawan. Kung may makakalimutan kang ehersisyo o kung mahihigitan mo ang iyong layunin, awtomatikong iaangkop ng Suunto 5 ang iyong plano ng pagsasanay gaya ng naaayon.

Kapag nagsimula ka ng isang nakaplanong ehersisyo, gagabayan ka ng iyong relo gamit ang mga visual at audio na indicator para manatili ka sa naaangkop na intensity at masubaybayan ang iyong pag-usad.

Nakakaapekto ang mga setting ng HR zone (tingnan ang Mga heart rate zone) sa plano sa naiaangkop na pagsasanay. Kasama ang intensity sa mga paparating na aktibidad sa plano ng pagsasanay. Kung hindi tama ang pagkakatakda sa iyong mga HR zone, maaaring hindi tumugma ang gabay sa intensity habang isinasagawa ang isang nakaplanong ehersisyo sa tunay na intensity ng iyong ehersisyo.

Para makita ang iyong mga susunod na sesyon ng plano ng pagsasanay:

  1. Mula sa watch face, pindutin ang button sa kanang bahagi sa ibaba para mag-scroll papunta sa view ng insight sa pagsasanay.

    SF3 Training Insight

  2. Pindutin ang gitnang button para makita ang iyong plano para sa kasalukuyang linggo.

    SF3 Weekly Plan

  3. Pindutin ang button sa kaliwanag bahagi sa ibaba para makakita ng karagdagang impormasyon; ang araw, tagal, at intensity ng pagsasanay (batay sa mga heart rate zone, tingnan ang Mga intensity zone.

    SF3 Weekly Plan Details

  4. Pindutin ang button sa kaliwang bahagi sa ibaba para lumabas sa mga view ng nakaplanong ehersisyo at bumalik sa display ng oras.

PAALALA:

Makikita rin ang nakaplanong aktibidad sa kasalukuyang araw kapag pinindot ang gitnang button sa view ng watch face.

PAALALA:

Layunin ng gabay sa naiaangkop na pagsasanay na panatilihin, pahusayin, o paigtingin ang iyong fitness. Kung fit na fit ka na at madalas kang mag-ehersisyo, maaaring hindi naaangkop ang 7 araw na plano sa kasalukuyan mong routine.

MAG-INGAT:

Kung nagkasakit ka, maaaring hindi maging sapat ang pag-angkop ng plano ng pagsasanay kapag nagsimula kang muli sa pag-eehersisyo. Maging mas maingat at unti-untiin ang pag-eehersisyo pagkagaling mo sa sakit.

BABALA:

Hindi masasabi ng relo kung mayroon kang pinsala. Sundin ang mga rekomendasyon ng iyong doktor para makabawi ka mula sa pinsala bago mo sundin ang plano ng pagsasanay sa iyong relo.

Para i-disable ang iyong naka-personalize na plano ng pagsasanay:

  1. Sa ilalim ng menu ng mga setting, pumunta sa Training.
  2. I-toggle ang Guidance para i-off ito.

    SF3 Guidance

Kung ayaw mo sa naiaangkop na gabay pero gusto mo ng layunin sa pag-eehersisyo, maaari kang magsaad ng target na bilang ng mga oras bilang iyong lingguhang layunin mula sa mga setting sa ilalim ng Training.

  1. I-disable ang Guidance.
  2. Piliin ang Weekly goal. sa pamamagitan ng pagpindot sa gitnang button.
  3. Piliin ang bago mong Weekly goal sa pamamagitan ng pagpindot sa button sa kanang bahagi sa itaas o sa ibaba.

    SF3 Weekly Goal

  4. Kumpirmahin ito sa pamamagitan ng pagpindot sa gitnang button.

Real-time na gabay

Kung mayroon kang nakaplanong ehersisyo na nakaiskedyul para sa kasalukuyang araw, lalabas ang aktibidad na iyon bilang unang opsyon sa listahan ng sport mode kapag pumunta ka sa view ng ehersisyo para mag-record ng ehersisyo. Kung gusto mo ng real-time na gabay, simulan ang inirerekomendang ehersisyo sa paraan kung paano ka magsimula ng normal na recording, tingnan ang Recording an exercise (Pag-record ng ehersisyo).

PAALALA:

Makikita rin ang nakaplanong aktibidad sa kasalukuyang araw kapag pinindot ang gitnang button sa view ng watch face.

Kapag nag-eehersisyo ka ayon sa isang nakaplanong ehersisyo, makakakita ka ng berdeng bar ng pag-usad at makikita mo ang porsyento ng iyong pag-usad. Tinatantya ang layunin batay sa nakaplanong intensity at tagal. Kapag nag-ehersisyo ka nang nasa nakaplanong intensity (batay sa iyong heart rate), dapat mong maabot ang layunin sa loob ng nakaplanong tagal. Kapag mas mataas ang intensity ng ehersisyo, mas mabilis mong maaabot ang layunin. Kapag mas mababa ang intensity, mas matagal mo itong maaabot.

Table of Content