Ang Suunto 9 Peak Pro ay patuloy na sinusukat ang ganap na air pressure gamit ang built-in na sensor ng pressure. Batay sa sukat na ito at sa iyong altitude reference value, kinakalkula nito ang altitude o air pressure.
Panatilihing walang dumi at buhangin ang paligid ng dalawang butas ng sensor ng air pressure na nasa gawing alas-sais sa gilid ng iyong relo. Huwag kailanmang magpasok ng anumang bagay sa mga butas dahil puwedeng masira nito ang sensor.
Sa watch face, mag-swipe pataas o pindutin ang ibabang button upang mag-scroll papunta sa alti and baro widget. May tatlong view ang widget na maaaring ma-access sa pamamagitan ng pag-swipe pataas at pababa. Ipinapakita ng unang view ang kasalukuyang altitude.
Mag-swipe pataas upang makita ang barometric pressure at ang graph ng barometer trend.
Muling mag-swipe pataas upang makita ang temperatura.
Mag-swipe pakanan o pindutin ang gitnang button para bumalik.
Tiyaking nakatakda nang tama ang iyong altitude reference value (tingnan ang Altimeter). Makikita ang altitude ng kasalukuyan mong lokasyon sa karamihan ng mga topographic na mapa o sa mga pangunahing on-line na serbisyo ng mapa gaya ng Google Maps.
Nakakaapekto sa mga reading ng altitude ang mga pagbabago sa mga lokal na kondisyon ng panahon. Kung madalas magbago ang lokal na kondisyon ng panahon, dapat mong regular na i-reset ang altitude reference value, mas mabuti bago mo simulan ang iyong susunod na paglalakbay.
Nagdudulot ng pagbabago sa air pressure ang mga pagbabago sa kondisyon ng panahon at altitude. Para mapangasiwaan ito, awtomatikong magpapalipat-lipat ang Suunto 9 Peak Pro sa pag-interpret sa mga pagbabago sa air pressure bilang mga pagbabago sa altitude at sa kondisyon ng panahon batay sa iyong paggalaw.
Kapag nakaramdam ang iyong relo ng bertikal na paggalaw, lilipat ito sa pagsukat ng altitude. Kapag tinitingnan mo ang graph ng altitude, naa-update ito nang may maximum na pagkaantala na 10 segundo.
Kung hindi nagbabago ang iyong altitude (mas mababa sa 5 metro ng bertikal na paggalaw sa loob ng 12 minuto), ii-interpret ng iyong relo ang mga pagbabago sa air pressure bilang mga pagbabago sa kondisyon ng panahon at ia-adjust nito ang barometer graph alinsunod dito.