Kung may ginagawa kang aktibidad sa labas ng isang gusali na nangangailangan ng tumpak na air pressure o altitude ng sea level, kakailanganin mo munang i-calibrate ang iyong Suunto Ambit2 sa pamamagitan ng pagpasok ng kasalukuyan mong altitude o kasalukuyang air pressure sa sea level.
Maaaring makita ang altitude ng iyong lokasyon sa karamihan ng mga topographic map o sa Google Earth. Ang reperensyang air pressure ng sea level para sa iyong lokasyon ay matatagpuan gamit ang mga website ng mga national weather service.
Kung ang FusedAlti
Ang eksaktong air pressure at nalalamang reperensya ng altitude = Air pressure sa sea level
Eksaktong air pressure at nalalamang air pressure sa sea level = Altitude
Ang mga pagbabago sa mga kondisyon ng lokal na lagay ng panahon ay makakaapekto sa mga reading ng altitude. Kung madalas magbago ang lokal na lagay ng panahon, ipinapayong i-reset nang madalas ang kasalukuyang reperensyang altitude, mas mainam na bago pa man simulan ang iyong paglakbay kapag available na ang mga reperensyang value. Hangga't nananatiling walang pagbabago ang lokal na lagay ng panahon, hindi mo kailangang i-set ang mga reperensyang value.