Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto Ambit2 S Gabay sa User - 2.0

Habang nag-eehersisyo

Suunto Ambit2 S ay nagbibigay sa iyo ng karagdagang impormasyon sa panahon ng iyong pag-eehersisyo. Ang karagdagang impormasyon ay nagbabago batay sa sport mode na pinili mo, tingnan ang Mga sport mode. Makakakuha ka rin ng karagdagang impormasyon kung gagamit ka ng isang heart rate belt at GPS habang nag-eehersisyo.

Suunto Ambit2 S ay nagpapahintulot sa iyong matukoy ang impormasyong gusto mong makikita sa display. Para sa impormasyon tungkol sa pagku-customize sa mga display, tingnan ang Mga custom na sport mode.

Narito ang ilang ideya kung paano gamitin ang relo sa panahon ng pag-eehersisyo:

  • Pindutin ang Next para makakita ng karagdagang display.
  • Pindutin ang View para makakita ng karagdagang display.
  • Para maiwasang aksidenteng mahinto ang pagre-record ng iyong log o kaya'y makapag-lap nang hindi mo gusto, i-lock ang mga button sa pamamagitan ng pagpindot nang matagal sa Light Lock.
  • Pindutin ang Start Stop para i-pause ang pagre-record. Ang pag-pause ay ipapakita sa iyong log bilang marka sa lap. Para ituloy ang pagre-record, pindutin ulit ang Start Stop.

Pagre-record sa mga dinaanan

Depende sa sport mode na pinili mo, pinahihintulot ng iyong Suunto Ambit2 S na i-record ang iba't ibang impormasyon habang ikaw ay naghehersisyo.

Kung ginagamit mo ang GPS habang nagre-record ng isang log, ire-record din ng Suunto Ambit2 S ang iyong dinaanan at maaari mo itong makita sa Suunto app. Kapag nire-record mo ang iyong dinaanan, ang icon ng pagre-record at icon ng GPS ay ipinapakita sa itaas na bahagi ng display.

Pagla-lap (pag-ikot)

Habang ikaw ay nag-eehersisyo, makakapag-lap ka nang manwal o awtomatiko sa pamamagitan ng pagse-set sa autolap interval sa Movescount. Kapag awtomatiko kang nagla-lap, nire-record ng Suunto Ambit2 S ang mga lap batay sa distansya na itinakda mo sa Movescount.

Para manwal na gumawa ng mga lap, pindutin ang Back Lap habang naghehersisyo.

Suunto Ambit2 S ay nagpapakita sa iyo ng mga sumusunod na impormasyon:

  • itaas na hanay: magkahiwalay na oras (tagal mula sa simula ng log)
  • gitnang hanay: bilang ng lap
  • ibabang hanay: oras ng lap

laps Ambit2

PAALALA:

Laging ipinapakita ng buod ng ehersisyo ang kahit isang lap, ang iyong ehersisyo mula simula hanggang katapusan. Ang mga lap na iyong nagawa sa ehersisyo ay ipinapakita bilang mga karagdagang lap.

Pagre-record ng altitude

Ini-store ng iyong Suunto Ambit2 S ang lahat ng iyong galaw sa altitude sa pagitan ng mga oras ng pagsimula at paghinto ng log. Kung abala ka sa isang aktibidad sa kung saan nagbabago ang iyong altitude, maaari mong i-record ang mga pagbabago sa altitude at tingnan ang naimbak na impormasyon pagkatapos.

Upang i-record ang altitude:

  1. Pindutin ang Start Stop upang makapasok sa start menu.
  2. Pindutin ang Next upang piliin ang Exercise (Ehersisyo).
  3. I-scroll ang mga sport mode gamit ang Start Stop o Light Lock at piliin ang naaangkop na mode gamit ang Next.
  4. Hintaying mag-abiso ang relo na ang heart rate at/o GPS signal ay natagpuan na, o pindutin ang Start Stop para piliin ang Later (Mamaya). Patuloy na naghahanap ang relo ng heart rate/GPS signal. Pindutin ang Start Stop upang simulang i-record ang log.

recording altitude

PAALALA:

Suunto Ambit2 S gumagamit ng GPS upang sukatin ang altitude.

Paggamit sa compass habang nag-eehersisyo

Maaari mong i-activate ang compass at magdagdag dito ng custom na sport mode habang ikaw ay nag-eehersisyo.

Para gamitin ang compass habang nag-eehersisyo:

  1. Habang nasa isang sport mode ka, pindutin nang matagal ang Next para mapuntahan ang menu ng mga opsyon.
  2. Mag-scroll sa Activate (I-activate) gamit ang Light Lock at piliin gamit ang Next.
  3. Mag-scroll sa Compass (Compass) gamit ang Light Lock at piliin gamit ang Next.
  4. Ang compass ay ipapakita bilang huling display sa custom na mode sport.

using compass during exercise Ambit2

Para i-deactivate ang compass, pumunta sa Activate (I-activate) sa menu ng mga opsyon at piliin ang End compass (TAPUSIN ang compass).

Paggamit sa timer ng interval

Maaari kang magdagdag ng timer ng interval sa bawat custom na sport mode sa Movescount. Para magdagdag ng timer ng interval sa isang sport mode, piliin ang sport mode at pumunta sa Mga advanced na setting. Sa susunod mong ikonekta ang iyong Suunto Ambit2 S sa iyong Movescount na account, ang timer ng interval ay isi-synchronize sa relo.

Maaari mong tukuyin ang sumusunod na impormasyon sa timer ng interval:

  • mga uri ng interval (high (mataas) at low (mababa) na interval)
  • ang tagal o distansiya ng parehong uri ng interval
  • ang bilang ng beses na inulit ang mga interval
PAALALA:

Kung hindi mo naitakda ang mga pag-ulit para sa mga interval sa Movescount, ang timer ng interval ay magpapatuloy hanggang maulit ito nang 99 na beses.

Upang i-activate/i-deactivate ang timer ng interval:

  1. Habang nasa isang sport mode ka, pindutin nang matagal ang Next para mapuntahan ang menu ng mga opsyon.
  2. Mag-scroll sa Activate (I-activate) gamit ang Light Lock at piliin gamit ang Next.
  3. Mag-scroll sa Interval (Interval) gamit ang Start Stop at piliin gamit ang Next.
  4. Pindutin ang Start Stop o Light Lock para i-set ang timer ng interval sa On/Off (Naka-on/Naka-off) at i-accept gamit ang Next. Kapag aktibo na ang timer ng interval, ipinapakita ang icon ng interval sa itaas ng display.

using interval timer

Pagna-navigate habang nag-eehersisyo

Kung gusto mong takbuhin ang isang ruta o isang point of interest (POI), maaari mong piliin ang naka-default na sport mode (Takbuhin ang Ruta, Takbuhin ang POI) mula sa Exercise (Ehersisyo) menu para agad na masimulan ang pagna-navigate.

Pwede ka ring mag-navigate sa isang ruta o sa isang POI, habang nag-eehersisyo sa ibang mga sport mode na may naka-activate na GPS.

Para mag-navigate habang nag-eehersisyo:

  1. Habang nasa isang sport mode ka, pindutin nang matagal ang Next para mapuntahan ang menu ng mga opsyon.
  2. Pindutin ang Next para piliin ang navigation (nabigasyon).
  3. Mag-scroll sa mga POI (Points of interest) o Routes (Mga Ruta) gamit ang Light Lock at piliin gamit ang Next.
    Ang gabay sa nabigasyon ay ipapakita bilang huling display sa mode ng napiling sport.

navigating during exercise Ambit2

Para i-deactivate ang nabigasyon, pumunta sa Navigation (Nabigasyon) sa menu ng mga opsyon at piliin ang End navigation (TAPUSIN ang nabigasyon).

Hanapin ang pabalik habang naghehersisyo

Suunto Ambit2 S ay awtomatikong isini-save ang puntong pinagsimulan ng iyong ehersisyo, kung gumagamit ka ng GPS. Habang naghehersisyo, ginagabayan ka ng Suunto Ambit2 S pabalik sa puntong pinagsimulan (o sa lokasyon kung saan itinatag ang GPS fix) gamit ang function na Find back (Hanapin ang pabalik).

Para hanapin ang balik sa puntong pinagsimulan habang naghehersisyo:

  1. Habang nasa isang sport mode ka, panatilihing nakapindot ang Next para ma-access ang menu ng mga opsyon.
  2. Pindutin ang Next para piliin ang navigation (nabigasyon).
  3. Mag-scroll sa Find back (Hanapin ang pabalik) gamit ang Start Stop at piliin ito gamit ang Next. Ang gabay sa nabigasyon ay ipapakita bilang huling display sa mode ng napiling sport.

finding back

Paggamit sa Track back

Gamit ang Track back (Mag-track pabalik), maaari mong mabalikan ang ruta sa kahit anong punto sa iyong ehersisyo. Suunto Ambit2 S ay gumagawa ng pansamantalang mga waypoint upang gabayan ka pabalik sa punto kung saan ka nagsimula.

Upang mag-track pabalik habang nag-eehersisyo:

  1. Habang nasa isang sport mode ka, pindutin nang matagal ang Next para mapuntahan ang menu ng mga opsyon.
  2. Pindutin ang Next para piliin ang Navigation (Nabigasyon).
  3. Mag-scroll sa Track back (Mag-track pabalik) gamit ang Start Stop at piliin ito gamit ang Next.

using track back

Maaari mo na ngayong simulan ang pag-navigate pabalik sa parehong paraan tulad ng pag-navigate ng ruta. Para sa iba pang impormasyon tungkol sa nabigasyon ng ruta, tingnan ang Sa panahon ng nabigasyon .

Ang Track back (Mag-tack pabalik) ay magagamit rin mula sa logbook sa mga ehersisyo na kinabibilangan ng GPS data. Sundin ang parehong pamamaraan katulad ng sa Pagna-navigate sa isang ruta. Mag-scroll sa Logbook (Logbook) sa halip na sa Routes (Mga Ruta), at pumili ng log para magsimulang mag-navigate.

Autopause

Pino-pause ng autopause ang pagre-record ng pag-eehersisyo mo kapag mas mabagal sa 2 km/h ang iyong bilis. Kapag mas bumilis ka pa kaysa sa 3 km/h, awtomatikong magpapatuloy ang pagre-record.

Maitatakda mo ang autopause sa naka-on/naka-off para sa bawat sport mode sa Movescount. Bilang kahalili, maa-activate mo ang autopause sa panahon ng ehersisyo.

Para i-set ang autopause na naka-on/naka-off sa panahon ng ehersisyo:

  1. Habang nasa isang sport mode ka, pindutin nang matagal ang Next para mapuntahan ang menu ng mga opsyon.
  2. Mag-scroll sa Activate (I-activate) gamit ang Light Lock at piliin gamit ang Next.
  3. Mag-scroll sa Autopause (Autopause) gamit ang Start Stop at piliin ito gamit ang Next.
  4. Pindutin ang Start Stop o Light Lock para i-set ang autopause sa On/Off (Naka-on/Naka-off) at i-accept gamit ang Next.

autopause Ambit2

Table of Content