Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto Ambit2 S Gabay sa User - 2.0

Pagtingin sa logbook pagkatapos ng ehersisyo

Maaari mong tingnan ang buod ng iyong ehersisyo pagkatapos mong huminto sa pagre-record.

Upang ihinto ang pagre-record at tingnan ang impormasyon ng buod:

  1. Pindutin nang matagal ang Start Stop upang ihinto at i-save ang ehersisyo. Maaari mo ring pindutin ang Start Stop upang i-pause ang pagre-record. Pagkatapos na mai-pause ang pag-log, kumpirmahin ang pagpapahinto sa pamamagitan ng pagpindot sa Back Lap, o ipagpatuloy ang pagre-record sa pamamagitan ng pagpindot sa Light Lock. Pagkatapos na ihinto ang ehersisyo, i-save ang log sa pamamagitan ng pagpindot sa Start Stop. Kung ayaw mong i-save ang log, pindutin ang Light Lock.
  2. Pindutin ang Next upang tingnan ang buod ng ehersisyo.

after exercise

Maaari mo rin tingnan ang mga buod ng lahat ng iyong nai-save na ehersisyo sa logbook. Sa logbook, ang mga ehersisyo ay nakalista ayon sa oras at ang pinakabagong ehersisyo ang unang ipinapakita. Maaaring i-store ng logbook ang humigit-kumulang sa 15 oras ng mga ehersisyo gamit ang pinakamahusay na katumpakan ng GPS at 1 segundo ng interval sa pagre-record.

Upang tingnan ang buod ng iyong ehersisyo sa logbook:

  1. Pindutin ang Start Stop upang makapasok sa start menu.
  2. Mag-scroll sa Logbook (Logbook) gamit ang Light Lock at pumasok gamit ang Next. Ipinapakita ang iyong kasalukuyang oras ng recovery.
  3. I-scroll ang mga log sa pag-eehersisyo gamit ang Start Stop o Light Lock at piliin ang naaangkop na mode gamit ang Next.
  4. Tingnan ang mga buod na view ng log gamit ang Next.

viewing summary

Indicator ng nalalabing memory

Kung higit sa 50% ng memory ng relo ang hindi pa na-synchronize, ipinapakita ng Suunto Ambit2 S ang isang paalala kapag papasok ka sa logbook.

memory indicator Ambit2

Ang paalalang ito ay hindi ipinapakita kapag puno na ang unsynced memory at sinisimulan na ng Suunto Ambit2 S na i-overwrite ang mga lumang log.

Dinamikong buod ng hersisyo

Ipinapakita ng dinamikong buod ng ehersisyo ang mga aktibong field mula sa ehersisyo mo bilang buod. Maaari kang mag-browse sa mga buod na view gamit ang Next.

Ang ipinapakitang impormasyon sa buod ay nakadepende sa ginamit mong sport mode, at kung gumamit ka ng heart rate belt o GPS.

Bilang default, kasama ang sumusunod na impormasyon sa lahat ng sport mode:

  • pangalan ng sport mode
  • oras
  • petsa
  • tagal
  • mga lap
PAALALA:

Kung pipiliin mo ang cumulative ascent/decent bilang opsyon ng display, ipapakita lamang sa iyo ang data kung pinili mo rin ang pinakamahusay na katumpakan ng GPS. Para sa iba pang impormasyon tungkol sa katumpakan ng GPS, tingnan ang Katumpakan ng GPS at pagtitipid ng baterya.

TIP:

Makakakuha ka ng mas detalyadong data sa Suunto app.

Tagal ng pag-recover

Suunto Ambit2 S laging ipapakita ang kasalukuyan mong naipong tagal ng pag-recover (pagbawi ng lakas) mula sa lahat ng nai-save mong ehersisyo. Ipinababatid ng tagal ng pag-recover kung gaano katagal ka ganap na nakababawi ng lakas at handang mag-ehersisyo nang matindi. Habang nababawasan o nadadagdagan ang tagal ng iyong pag-recover, ina-update ito ng relo sa aktwal na oras.

Upang tingnan ang kasalukuyan mong tagal ng pag-recover:

  1. Pindutin ang Start Stop upang makapasok sa start menu.
  2. Mag-scroll sa Logbook (Logbook) gamit ang Light Lock at piliin gamit ang Next.
  3. Ipapakita sa display ang tagal ng pag-recover.

recovery time Ambit2

PAALALA:

Ang tagal ng pag-recover ay pinapakita lang kung mas matagal ito sa 30 minuto.

Table of Content