Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto Ambit3 Peak Gabay sa User - 2.5

Alti-Baro

Gamit ang Alti-baro makikita mo ang kasalukuyang altitude o ang barometric pressure. Pindutin ang Next sa Time mode upang makita ang ALTI & BARO na display.

Maaari mong ipakita/itago ang display Alti-baro sa ilalim ng start menu sa Displays(Mga display) » Alti-Baro(Alti-Baro). Magpapalit-palit gamit ang Next.

Mapupuntahan mo ang iba-ibang mga view depende sa kung anong profile ang naka-activate sa pamamagitan ng pagpindot sa View.

May tatlong profile na available: Automatic(Awtomatiko), Barometer(Barometer) at Altimeter(Altimeter). Para sa impormasyon sa pagse-set ng mga profile, tingnan ang Pagtutugma ng profile sa aktibidad.

Makikita ang mga view sa oras ng pagsikat at paglubog ng araw kapag na-activate ang GPS. Kung hindi active ang GPS, ang mga oras ng pagsikat at paglubog ng araw ay batay sa huling nai-record na GPS data.

Pagkuha ng mga tamang reading

Suunto Ambit3 Peak patuloy na sinusukat ang ganap na pressure ng hangin gamit ang built-in na sensor ng pressure. Batay sa sukat na ito at mga reperensyang value, kinakalkula nito ang altitude o air pressure sa sea level.

pressure sensor Ambit3 Peak

MAG-INGAT:

Panatilihing walang dumi at buhangin sa paligid ng sensor. Huwag kailanman magpasok ng anumang bagay sa mga bukas na bahagi ng sensor.

Kung may ginagawa kang aktibidad sa labas na nangangailangan ng tumpak na air pressure o altitude ng sea level, kakailanganin mo munang i-calibrate ang iyong Suunto Ambit3 Peak sa pamamagitan ng paglalagay ng alinman sa kasalukuyan mong altitude o sa kasalukuyang air pressure sa sea level.

TIP:

Ang eksaktong air pressure at nalalamang reperensya ng altitude = air pressure sa sea level. Ang eksaktong air pressure at nalalamang air pressure sa sea level = altitude.

Maaaring makita ang altitude ng iyong lokasyon sa karamihan ng mga topographic map o sa Google Earth. Ang reperensyang air pressure ng sea level para sa iyong lokasyon ay matatagpuan gamit ang mga website ng mga national weather service.

Kung ang Suunto FusedAltiTM ay in-activate, ang reading ng altitude ay awtomatikong itatama gamit ang FusedAlti kasama ng pag-calibrate ng altitude at ng pressure ng sea level. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang FusedAlti.

Ang mga pagbabago sa mga kondisyon ng lokal na lagay ng panahon ay makakaapekto sa mga reading ng altitude. Kung madalas magbago ang lokal na lagay ng panahon, ipinapayong i-reset nang madalas ang kasalukuyang reperensyang value ng altitude, mas mainam kung bago simulan ang iyong paglalakbay kapag available na ang mga reperensyang value. Hangga't nananatiling hindi nagbabago ang lokal na lagay ng panahon, hindi mo kailangang i-set ang mga reperensyang value.

Upang i-set ang reperensyang value ng pressure sa sea level at altitude:

  1. pindutin nang matagal ang Next para pumunta sa menu ng mga opsyon.
  2. Mag-scroll sa Alti-baro(Alti-baro) gamit ang Light Lock at pumasok gamit ang Next.
  3. Mag-scroll sa Reference(Reperensya) gamit ang Light Lock at pumasok gamit ang Next. Magagamit ang mga sumusunod na opsyon sa setting:
  4. FusedAlti(FusedAlti): Io-on ang GPS at magsisimula nang kalkulahin ng relo ang altitude batay sa FusedAlti.
  5. Manual altitude(Manu-manong altitude): Manu-manong i-set ang iyong altitude.
  6. Sea level pressure(Pressure sa Sea level): Manu-manong i-set ang reperensyang value ng pressure sa sea level.
  7. I-set ang reperensyang value gamit ang Start Stop at Light Lock. I-accept ang setting gamit ang Next.

setting reference values Ambit3 Peak

TIP:

Maaari mong mapuntahan ang setting ng Reference(Reperensya) sa pamamagitan ng pagpindot nang matagal sa View kapag nasa display na Alti-Baro.

Maitatakda mo rin ang iyong altitude sa panahon ng iyong ehersisyo, tingnan ang Pagtakda ng altitude habang nag-eehersisyo.

Pagtutugma ng profile sa aktibidad

Dapat piliin ang profile na Altimeter(Altimeter) kapag nagsasangkot ng mga pagbabago sa altitude ang iyong panlabas na aktibidad (hal. pag-akyat sa maburol na landas).

Dapat piliin ang profile na Barometer(Barometer) kapag hindi nagsasangkot ng mga pagbabago sa altitude ang iyong panlabas na aktibidad (hal. soccer, paglalayag, pagka-canoe).

Para makuha ang mga tamang reading, kailangang mong itugma ang profile sa iyong aktibidad. Maaari mong hayaan ang Suunto Ambit3 Peak na magpasiya sa naaangkop na profile para sa aktibidad, o ikaw mismo ang pumili ng profile.

PAALALA:

Maitatakda mo ang profile bilang bahagi ng mga setting ng sport mode sa Movescount, o sa iyong Suunto Ambit3 Peak.

Para i-set ang Alti & Baro na profile:

  1. Pindutin nang matagal ang Next upang makapasok sa menu ng mga opsyon.
  2. Mag-scroll sa Alti-baro(Alti-baro) gamit ang Light Lock at pumasok sa pamamagitan ng Next.
  3. Pindutin ang Next upang piliin ang Profile (Profile).
  4. Mag-scroll sa mga opsyon sa profile (Automatic(Awtomatiko), Altimeter(Altimeter), Barometer(Barometer)) gamit ang Start Stop o Light Lock. Piliin ang profile gamit ang Next.

setting profile

Gamitin ang halimbawa: Pag-set sa reperensyang value ng altitude

Nasa pangalawang araw ka ng iyong dalawang araw na hike. Natuklasan mong nakalimutan mong baguhin ang profile na Barometer(Barometer) tungo sa profile na Altimeter(Altimeter) nang magsimula kang gumalaw noong umaga. Alam mo nang mali ang kasalukuyang mga reading ng altitude ng iyong Suunto Ambit3 Peak. Kaya, nag-hike ka sa pinakamalapit na lokasyong ipinapakita sa iyong topographic map kung saan ibinibigay ang reperensyang value ng altitude. Itatama mo ang reperensyang value ng altitude ng iyong Suunto Ambit3 Peak nang naaayon at lilipat mula profile na Barometer(Barometer) tungo sa Altimeter(Altimeter). Tama nang muli ang mga reading ng iyong altitude.

Mga hindi tamang reading

Kung naka-on ang iyong profile na Altimeter(Altimeter) sa pinahabang tagal ng panahon na ang aparato ay nasa naka-fix na lokasyon habang nagbabago ang lokal na lagay ng panahon, magbibigay ang aparato ng mga hindi tamang reading ng altitude.

Kung naka-on ang iyong profile na Altimeter(Altimeter) at madalas na nagbabago ang lokal na lagay ng panahon habang umaakyat ka sa altitude o bumababa sa altitude, magbibigay ang aparato ng mga hindi tamang reading.

Kung naka-on ang profile na Barometer(Barometer) sa pinahabang tagal ng panahon habang umaakyat ka sa altitude o bumababa sa altitude, ipinapalagay ng aparato na hindi ka gumagalaw at binibigyang-kahulugan ang iyong mga pagbabago sa altitude bilang mga pagbabago sa air pressure sa sea level. Kung gayon, bibigyan ka nito ng hindi tamang mga reading ng air pressure sa sea level.

Paggamit sa profile na Altimeter(Altimeter)

Kinakalkula ng profile na Altimeter(Altimeter) ang altitude batay sa mga reperensyang value. Ang reperensyang value ay maaaring ang value ng air pressure sa sea level o ang reperensyang value ng altitude. Kapag ang profile na Altimeter(Altimeter) ay naka-activate, ang icon ng altimeter ay ipinapakita sa display.

Kapag ang profile na Altimeter(Altimeter) ay naka-activate, mapupuntahan mo ang mga sumusunod na view:

  • itaas na row: ang kasalukuyan mong altitude
  • gitnang row: graph na nagpapakita ng mga pagbabago sa altitude sa nakalipas na 24 oras (15 minutong pagitan sa pagre-record)
  • ibabang row: palitan ng View upang ipakita ang oras, temperatura, pagsikat/paglubog ng araw o reperensyang pressure sa sea level

altimeter profile Ambit3 Peak

PAALALA:

Kung suot mo ang iyong Suunto Ambit3 Peak sa iyong pupulsuhan, kailangan mo itong tanggalin para makakuha ng tumpak na reading ng temperatura dahil maaapektuhan ng temperatura ng iyong katawan ang unang reading.

Paggamit sa profile ng Barometer(Barometer)

Pinapakita ng profile na Barometer(Barometer) ang kasalukuyang air pressure sa sea level. Nakabatay ito sa mga idinagdag na reperensyang value sa mga setting at sa palaging sinusukat na absolute air pressure.

Ang mga pagbabago sa air pressure sa sea level ay inilalarawan sa talangguhit sa gitnang hanay ng display.

Kapag ang profile na Barometer(Barometer) ay naka-activate, ang icon ng barometer ay ipinapakita sa display.

Kapag ang profile na Barometer(Barometer) ay naka-activate, ipinapakita sa iyo ng Suunto Ambit3 Peak ang sumusunod na impormasyon na barometric.

  • itaas na row: ang kasalukuyang air pressure sa sea level
  • gitnang row: isang graph na nagpapakita ng mga pagbabago ng pressure sa sea level sa nakalipas na 24 oras (15 minuto na pagitan sa pagre-record)
  • ibabang row: palitan ng View upang ipakita ang oras, temperatura, pagsikat/paglubog ng araw o reperensyang altitude

barometer profile Ambit3 Peak

Ang reperensyang altitude ay ang pinakahuling altitude na ginamit sa Alti & Baro na mode. Maaari itong:

  • ang altitude na itinakda mo bilang reperensyang altitude sa Barometer(Barometer) na profile, o
  • ang pinakahuling altitude na nai-log sa Automatic(Awtomatiko) na profile bago lumipat sa Barometer(Barometer) na profile.
PAALALA:

Kung suot mo ang iyong Suunto Ambit3 Peak sa iyong pupulsuhan, kailangan mo itong tanggalin para makakuha ng tumpak na reading ng temperatura dahil maaapektuhan ng temperatura ng iyong katawan ang unang reading.

Paggamit sa profile ng Automatic(Awtomatiko)

Ang profile na Automatic(Awtomatiko) ay nagpapalitan sa pagitan ng mga profile na Altimeter(Altimeter) at Barometer(Barometer) ayon sa mga galaw mo. Kapag ang ptofile na Automatic(Awtomatiko) ay aktibo, ang device ay awtomatikong lilipat sa pagitan ng pagpapakahulugan sa mga pagbabago ng air pressure bilang mga pagbababago sa altitude o pagbabago sa lagay ng panahon.

automatic profile

Hindi posibleng sukatin ang pagbabago sa lagay ng panahon at altitude nang sabay, dahil kapwang nagdudulot ng pagbabago ang mga ito sa air pressure. Suunto Ambit3 Peak ay nakakaramdam ng paakyat na kilos at lumilipat ito sa pagsukat ng altitude, kung kinakailangan. Kapag ipinapakita ang altitude, ina-updated ito nang may maximum delay na 10 segundo.

Kung hindi nagbabago ang iyong altitude (wala pang 5 metro ng pataas/pababa na kilos sa loob ng 12 minuto), nababasa ng Suunto Ambit3 Peak ang lahat ng pagbabago sa pressure habang nagbabago ang lagay ng panahon. Ang pagitan ng mga pagsukat ay 10 segundo. Ang reading ng altitude ay nananatiling di-nagbabago at kung magbabago ang lagay ng panahon, makikita mo ang mga pagbabago sa reading ng air pressure sa sea level.

Kung nagbabago ang iyong altitude (mahigit sa 5 metro ng pataas/pababa na kilos sa loob ng 3 minuto), nababasa ng Suunto Ambit3 Peak ang lahat ng pagbabago sa pressure bilang pagbabago sa altitude.

Depende sa kung anong profile ang gumagana, maa-access mo ang view ng profile na Altimeter(Altimeter) o Barometer(Barometer) na profile view gamit ang View.

PAALALA:

Kapag ginagamit mo ang profile na Automatic(Awtomatiko), ang mga icon na barometer o altimeter ay hindi ipapakita sa display.

Table of Content