Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto Ambit3 Peak Gabay sa User - 2.5

Mga Suunto App

Magbibigay-daan sa iyo ang mga Suunto App na mas ma-customize ang iyong Suunto Ambit3 Peak. Pumunta sa Suunto App Zone sa Komunidad sa Movescount.com para maghanap ng mga App, gaya ng iba't ibang timer at counter, na maaari mong gamitin. Kung hindi mo mahanap ang kailangan mo, gumawa ng sarili mong App gamit ang Suunto App Designer. Maaari kang gumawa ng mga App, halimbawa, para sa pagkalkula ng iyong tinatayang resulta ng marathon, o ang slope grade ng iyong ruta sa pag-ski.

PAALALA:

Ang mga Suunto App sa Movescount ay tumutukoy sa mga app na magagamit mo sa iyong relo. Iba ito sa Suunto app na isang mobile app na ginagamit sa pagsusuri at pagbabahagi ng iyong mga pagsasanay, pagkonekta sa mga partner at iba pa.

Para magdagdag ng Suunto App sa iyong Suunto Ambit3 Peak:

  1. Pumunta sa seksyong App zone sa komunidad ng Movescount para i-browse ang mga kasalukuyang Suunto App. Para gumawa ng sarili mong App, piliin ang ** App Designer.
  2. Idagdag ang Suunto App sa isang sport mode. Ikonekta ang iyong Suunto Ambit3 Peak sa Movescount account mo para i-synchronize ang Suunto App sa relo. Ipapakita ng idinagdag na Suunto App ang resulta ng pagkalkula nito habang nag-eehersisyo ka.
PAALALA:

Makakapagdagdag ka ng hanggang limang Suunto App sa bawat sport mode.

Table of Content