Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto Ambit3 Peak Gabay sa User - 2.5

Suunto app

Gamit ang Suunto app, mas mapapaganda mo ang iyong karanasan sa Suunto Ambit3 Peak sa pamamagitan ng pagsusuri at pagbabahagi ng iyong mga pagsasanay, pagkonekta sa mga partner at higit pa. Ipares sa mobile app para makatanggap ng mga notipikasyon sa iyong Suunto Ambit3 Peak.

Para ipares ang iyong relo sa Suunto app:

  1. I-download at i-install ang Suunto app sa iyong compatible na mobile device mula sa App Store, Google Play bukod sa ilang sikat na app store sa China.
  2. Buksan ang Suunto app at i-on ang Bluetooth kung hindi pa ito naka-on.
  3. Sa iyong relo, panatilihing nakapindot ang Susunod para mabuksan ang menu ng mga opsyon.
  4. Mag-scroll sa PAIR gamit ang Lock ng Ilaw at pindutin ang Susunod
  5. Pindutin ang Susunod para mapili ang MobileApp.
  6. Bumalik sa app at i-tap ang icon na relo sa kaliwang sulok sa itaas ng screen. Kapag lumabas ang pangalan ng relo, i-tap ang PAIR.
  7. IIagay ang passkey na makikita sa display ng iyong relo sa field ng paghiling ng pagpapares sa iyong mobile device at i-tap ang PAIR para isapinal ang koneksyon.
PAALALA:

Nangangailangan ang ilang feature ng koneksyon sa internet sa pamamagitan ng Wi-Fi o mobile network. Maaaring may mga singil para sa koneksyon ng carrier data.

Pagsi-sync sa mobile app

Kung na-pair mo na ang iyong Suunto Ambit3 Peak sa Suunto Movescount App, ang mga pagbabago sa mga setting, sport mode at mga bagong paggalaw ay awtomatikong nasi-sync kapag aktibo ang koneksyon sa Bluetooth. Nagfa-flash ang icon ng Bluetooth sa iyong Suunto Ambit3 Peak kapag nagsi-sync ng data.

Maaari ring mapalitan ang shortcut na ito mula sa menu ng mga opsyon.

Para i-off ang awtomatikong pagsi-sync:

  1. Panatilihing nakapindot ang Next upang makapasok sa menu ng mga opsyon.
  2. Mag-scroll sa CONNECTIVITY gamit ang Light Lock at piliin sa pamamagitan ng Next.
  3. Mag-scroll sa Settings gamit ang Light Lock at piliin sa pamamagitan ng Next.
  4. Pindutin muli ang Next para makapasok sa mga MobileApp sync(MobileApp sync) na setting.
  5. Mag-toggle off gamit ang Light Lock at panatilihing nakapindot ang Next upang lumabas.

Mano-manong pagsi-sync

Kapag naka-off ang awtomatikong pagsi-sync, kailangan mong mano-manong simulan ang pagsi-sync upang maglipat ng mga setting o mga bagong galaw.

Upang manu-manong i-sync sa mobile app:

  1. Siguruhin na ang Suunto Movescount App ay gumagana at naka-on ang Bluetooth.
  2. Panatilihing nakapindot ang Next upang makapasok sa menu ng mga opsyon.
  3. Mag-scroll sa CONNECTIVITY gamit ang Light Lock at piliin sa pamamagitan ng Next.
  4. PIndutin ang Next upang Sync now (I-sync ngayon).

syncing manually

Kung may aktibong data connection ang iyong mobile device at nakakonekta ang iyong app sa iyong Movescount account, ang mga setting at paggalaw ay isini-sync sa iyong account. Kung walang data connection, naaantala ang pagsi-sync hanggang sa magkaroon ng koneksyon.

Ang mga hindi pa na-sync na paggalaw na na-record gamit ang iyong Suunto Ambit3 Peak ay nakalista sa app, ngunit hindi mo makikita ang mga detalye ng paggalaw hanggang sa ang mga ito ay naka-sync na sa iyong Movescount account. Ang mga paggalaw na iyong ire-record gamit ang app ay agad na makikita.

PAALALA:

Maaaring magkaroon ng singil para sa data connection ng carrier kapag nagsi-sync sa pagitan ng Suunto Movescount app at ng iyong Movescount account.

Table of Content