Ang mga sport mode ay ang paraan mo para itala ang mga ehersisyo at iba pang aktibidad sa iyong Suunto Ambit3 Peak. Para sa anumang aktibidad, maaari kang pumili ng sport mode mula sa hanay ng mga nauna nang itinakdang sport mode na kasama na sa iyong relo. Kung wala kang mahanap na angkop na sport mode, gumawa ng sarili mong custom na sport mode sa pamamagitan ng Movescount.
Iba-ibang impormasyon ang ipinapakita sa mga display sa panahon ng pag-eehersisyo, depende sa sport mode. Ang napiling sport mode ay nakakaapekto rin sa mga setting ng pag-eehersisyo, tulad ng mga heart rate limit at layo ng autolap.
Sa Movescount makakagawa ka ng mga custom na sport mode, mae-edit ang mga paunang natukoy na sport mode, made-delete ang mga sport mode, o maha-hide ang mga iyon para hindi lumabas sa iyong menu ng ehersisyo (tingnan ang Pagsisimula ng isang ehersisyo).
Ang custom na sport mode ay maaaring magtaglay ng 1 hanggang 8 magkakaibang display ng sport mode. Mapipili mo kung aling data ang lilitaw sa bawat display mula sa isang komprehensibong listahan. Maaari mong i-customize, halimbawa, ang mga heart rate limit na espesipiko sa sports, kung anong mga POD ang hahanapin, o ang interval ng pagre-record upang mapahusay ang katumpakan o ang itatagal ng baterya.
Ang anumang sport mode na may naka-activate na GPS ay magagamit din ang opsyong Mabilis na Navigation. Naka-off ang opsyong ito bilang default. Kapag pumili ka ng POI o Ruta, makakakuha ka ng pop-up na listahan ng mga POI o ruta na tinukoy mo sa iyong relo sa simula ng iyong pag-eehersisyo.
Maaari kang maglipat ng hanggang 10 iba't ibang sport mode na nagawa sa Movescount papunta sa iyong Suunto Ambit3 Peak.