Suunto Spartan Sport gumagamit ng GPS upang sukatin ang altitude. Sa ilalim ng mga pinakamainam na kalagayan ng signal, dapat na magbigay ang reading ng GPS ng magandang pagtukoy sa taas na iyong kinaroroonan kung maaalis nito ang mga posibleng error na karaniwan sa pagkakalkula ng posisyon ng GPS.
Upang makakuha ng mas tumpak na reading mula sa GPS altitude, na maihahalintulad sa makukuha mo sa barometric na altitude, kailangan mo ng mga karagdagang pagmumulan ng data gaya ng gyroscope o Dopple radar upang i-adjust ang GPS altitude.
Dahil sa GPS lang umaasa ang Suunto Spartan Sport upang sukatin ang altitude, kung hindi nakatakda ang GPS sa maximum na katumpakan, maaaring magkaroon ng error ang pagfi-filter at maaaring magresulta sa posibleng mga hindi tumpak na reading ng altitude.
Kung kailangan mo ng mahuhusay na reading ng taas na iyong kinaroroonan, tiyaking nakatakda ang katumpakan ng iyong GPS sa Best (Pinakamahusay) sa panahon ng pagre-record.
Gayunpaman, kahit pa sa pinakamahusay na katumpakan, hindi dapat ituring ang GPS altitude bilang ang ganap na posisyon. Pagtatantya lang ito ng tunay mo taas, at lubhang nakadepende ang katumpakan ng pagtatantyang ito sa mga kundisyon sa paligid.