Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto 3 Fitness Gabay sa User

Fitness level

Mahalaga ang magandang aerobic fitness para sa iyong pangkalahatang kalusugan, kalusugan ng katawan at pag-iisip, at performance sa sports.

Inilalarawan ang iyong aerobic fitness level gamit ang VO2max (maximum na pagkonsumo ng oxygen), isang kinikilalang sukatan ng kapasidad ng aerobic endurance. Ibig sabihin, ipinapakita ng VO2max kung gaano kahusay makakagamit ang iyong katawan ng oxygen. Kapag mas mataas ang iyong VO2max, mas mahusay kang makakagamit ng oxygen.

Nakadepende ang pagtataya ng iyong fitness level sa matutukoy na heart rate response mo sa bawat ire-record na pagtakbo o paglalakad-lakad. Para matantya ang iyong fitness level, mag-record ng pagtakbo o paglalakad-lakad na may tagal na hindi bababa sa 15 minuto habang suot ang iyong Suunto 3 Fitness na may nakakonektang GPS o naka-calibrate na bilis.

Kung walang available na nakakonektang GPS, kailangan mong manual na i-calibrate ang iyong relo bago ka maglakad-lakad/tumakbo nang 5 minuto at bago mo ipatantya ang iyong fitness level, tingnan ang Speed and distance calibration (Pag-calibrate ng bilis at distansya).

Kapag matagumpay nang na-calibrate ang iyong relo, matatantya nito ang iyong fitness level para sa lahat ng pagtakbo at paglalakad-lakad.

Ipinapakita ang kasalukuyan mong fitness level sa display ng fitness level. Mula sa watch face, pindutin ang button sa kanang bahagi sa ibaba para mag-scroll papunta sa display ng fitness level.

SF3 Fitness Level

PAALALA:

Kung hindi pa natatantya ng relo ang iyong fitness level, magpapakita ang display ng fitness level ng higit pang tagubilin.

Mahalaga ang tungkulin ng dating data, mula sa mga na-record na pagtakbo at paglalakad-lakad, sa pagtiyak na tumpak ang pagtataya ng iyong VO2max. Kung mas marami kang ire-record na aktibidad sa iyong Suunto 3 Fitness, magiging mas tumpak ang pagtataya ng iyong VO2max.

May anim na fitness level, mula sa mababa hanggang sa mataas: napakababa, mababa, katamtaman, mataas, napakataas, pinakamataas. Nakadepende ang value sa iyong edad at kasarian, at kapag mas mataas ang value, mas maganda ang iyong fitness level.

Pindutin ang button sa kaliwang bahagi sa itaas para makita ang iyong tinatantyang fitness age. Ang fitness age ay isang metric value na muling umaalam sa iyong VO2max value may kaugnayan sa edad. Makakatulong sa iyo ang regular na pagsasagawa ng mga tamang uri ng pisikal na aktibidad na pataasin ang VO2max value mo at pababain ang iyong fitness age.

SF3 Fitness Level 02

Nakadepende ang VO2max sa indibidwal, at nakabatay ito sa mga salik gaya ng edad, kasarian, genetics, at background sa pagsasanay. Kung fit na fit ka na, magiging mas mabagal ang pagpapataas sa iyong fitness level. Kung kasisimula mo pa lang mag-ehersisyo nang regular, maaaring mabilis na tumaas ang iyong fitness level.

Table of Content