Ipares ang iyong relo sa mga Bluetooth Smart POD at sensor para mangolekta ng karagdagang impormasyon kapag nagre-record ng isang ehersisyo.
Suunto 3 Fitness ay sumusuporta sa mga sumusunod na uri ng POD at sensor:
Hindi ka maaaring magpares ng anumang bagay kung naka-on ang airplane mode. Isara ang airplane mode bago ang pagpapares. Tingnan ang Airplane mode.
Para ipares ang isang POD o sensor:
Pindutin ang lower right button para mag-scroll sa listahan at piliin ang uri ng sensor gamit ang middle button.
Sundin ang mga tagubilin sa relo para tapusin ang pagpares (basahin ang manual ng sensor o sa POD kung kailangan), na pinipindot ang middle button para magpatuloy sa susunod na hakbang.
Kung kinakailangan ng POD ang mga setting, ipo-prompt kang maglagay ng value sa panahon ng proseso ng pagpares.
Kapag napares na ang POD o sensor, hahanapin ito ng iyong relo agad-agad pagkapili mo sa sport mode na gumagamit sa uri ng sensor na iyon.
Maaari mong makita ang buong listahan ng mga nakapares na device sa iyong relos mula sa mga setting sa ilalim ng Connectivity » Paired devices.
Mula sa listahang ito, maaari mong alisin (alisin sa pagkakapares) ang device kung kinakailangan. Piliin ang device na gusto mong alisin, at i-tap ang Forget.
Kapag nagpares ka ng isang foot POD, awtomatikong kina-calibrate ng iyong relo ang POD gamit ang nakakonektang GPS sa pamamagitan ng Suunto app sa iyong mobile phone. Inirerekumenda namin na gumamit ng awtomatikong pag-calibrate, pero maaari mo itong i-disable kung kailangan mula sa mga setting ng POD sa ilalim ng Connectivity » Paired devices.
Para sa pag-calibrate sa unang pagkakataon nang may GPS, dapat kang pumili ng isang sport mode kung saan ginagamit ang foot POD, hal., pagtakbo. Simulan ang pag-record at tumakbo sa iisang bilis sa patag na lugar, kung posible, sa loob ng kahit 15 minuto lang.
Tumakbo sa normal na katamtaman mong bilis para sa inisyal na pag-calibrate, at pagkatapos ay ihinto ang pag-record ng ehersisyo. Handa na ang calibration sa susunod na beses na gagamitin mo ang foot POD.
Awtomatikong muling kina-calibrate ang foot POD kung kinakailangan sa tuwing available ang GPS speed.