Ang tagal ng pag-recover ay isang tinantiyang oras kung gaano katagal kailangang makabawi ng iyong katawan pagkatapos ng pagsasanay. Ang oras ay batay sa tagal at intensity ng pagsasanay, pati na rin sa iyong pangkalahatang kapaguran.
Ang tagal ng pag-recover ay kinukuha mula sa lahat ng uri ng ehersisyo. Sa madaling salita, nadadagdagan ang pangangailangan mong mag-recover sa matatagal, low intensity na sesyon ng pagsasanay pati na rin sa high intensity.
Ang oras ay pinagsasama-sama mula sa lahat ng sesyon ng pagsasanay, kaya kung magsasanay kang muli bago matapos ang oras, ang bagong oras na naipon ay isasama sa nalalabing oras mula sa iyong nakaraang sesyon ng pagsasanay.
Para tingnan ang tagal ng iyong pag-recover:
Dahil isang pagtatantya lang ang oras ng pag-recover, pare-pareho ang pag-count down ng mga naipong oras anuman ang iyong fitness level o iba pang indibidwal na bagay. Kung napaka-fit mo na, maaaring mas mabilis ang iyong pag-recover kaysa sa pagtatantiya. Sa kabilang panig, kung may trangkaso ka, halimbawa, maaaring mas mabagal ang iyong pag-recover kaysa sa pagtatantiya.