Para mag-adjust ng setting:
Pindutin ang upper right button hanggang sa makita mo ang icon ng mga setting, pagkatapos, pindutin ang middle button para pumunta sa menu ng mga setting.
Mag-scroll papunta sa menu ng mga setting sa pamamagitan ng pagpindot sa mga upper right o lower right button.
Pumili ng setting sa pamamagitan ng pagpindot sa middle button kapag naka-highlight ang setting. Bumalik sa menu sa pamamagitan ng pagpindot sa lower left button.
Para sa mga setting na may value ng saklaw, palitan ang value sa pamamagitan ng pagpindot sa upper right o lower right button.
Para sa mga setting na on at off lang, palitan ang value sa pamamagitan ng pagpindot sa middle button.
Maaari mo ring i-access ang mga pangkalahatang setting mula sa menu ng mga shortcut sa pamamagitan ng pagpindot nang matagal sa middle button.