Suunto Ambit2 Gabay sa User - 2.1
Pagpapalit ng mga setting ng oras
Para puntahan ang mga setting ng oras:
- Pindutin nang matagal ang upang makapasok sa menu ng mga opsyon.
- Pindutin ang para makapasok sa general (pangkalahatan).
- Mag-scroll sa Time/date (Oras/petsa) gamit ang at pumasok gamit ang .

Pagse-set ng oras
Ang kasalukuyang oras ay ipinapakita sa gitnang hanay ng display ng mode na Time.
Para i-set ang oras:
- Sa menu ng mga opsyon, pumunta sa general (pangkalahatan), at pagkatapos sa Time/date (Oras/petsa) at sa Time (Oras).
- Baguhin ang oras at minuto gamit ang at . I-accept gamit ang .
- Bumalik sa mga setting gamit ang , o pindutin nang matagal ang para lumabas mula sa menu ng mga opsyon.

Pagse-set ng petsa
Ang kasalukuyang petsa ay ipinapakita sa itaas na hanay ng display ng mode na Time.
Para i-set ang petsa:
- Sa menu ng mga opsyon, pumunta sa general (pangkalahatan), at pagkatapos sa Time/date (Oras/petsa) at sa Date (Petsa).
- Baguhin ang taon, buwan at araw gamit ang at . I-accept gamit ang .
- Bumalik sa mga setting gamit ang , o pindutin nang matagal ang para lumabas mula sa menu ng mga opsyon.

Pagse-set ng dalawahang oras
Ang dalawahang oras ay magpapahintulot sa iyo na subaybayan ang kasalukuyang oras ng ikalawang time zone, halimbawa, kapag nagbibiyahe. Ang dalawahang oras ay ipapakita sa ibabang hanay ng display ng mode na Oras at mapupuntahan mo ito sa pamamagitan ng pagpindot sa .
Para i-set ang dalawahang oras:
- Sa menu ng mga opsyon, pumunta sa general (pangkalahatan), at pagkatapos sa Time/date (Oras/petsa) at sa Dual time (Dalawahang oras).
- Baguhin ang oras at minuto gamit ang at . I-accept gamit ang .
- Bumalik sa mga setting gamit ang , o pindutin nang matagal ang para lumabas mula sa menu ng mga opsyon.

Pag-set ng alarma
Maaari mong gamitin ang iyong Suunto Ambit2 bilang isang alarm clock.
Para puntahan ang alarm clock at i-set ang alarma:
- Sa menu ng mga opsyon, pumunta sa general (pangkalahatan), at pagkatapos sa Time/date (Oras/petsa) at sa Alarm (Alarma).
- I-set ang alarma sa naka-on o naka-off gamit ang o . I-accept gamit ang .
- I-set ang oras at minuto gamit ang at . Tanggapin gamit ang .
- Bumalik sa mga setting gamit ang , o pindutin nang matagal ang para lumabas mula sa menu ng mga opsyon.

Kapag naka-on ang alarma, lilitaw ang simbolo ng alarma sa karamihan ng mga display.
Kapag tumunog ang alarma, maaari mong:
- Piliin ang Snooze (I-snooze) sa pamamagitan ng pagpindot sa . Ang alarma ay hihinto at tutunog muli bawat 5 minuto hanggang sa ihinto mo ito. Maaari kang mag-snooze nang hanggang 12 beses para sa kabuuang 1 oras.
- Piliin ang Stop (Ihinto) sa pamamagitan ng pagpindot sa . Ang alarma ay hihinto at muling tutunog sa parehong oras kinabukasan, maliban na lang kung i-o-off mo ito sa mga setting.

Kapag nag-i-snooze, kukurap ang icon ng alarma sa TIME na mode.