Suunto Ambit2 S ay gumagamit ng Global Positioning System (GPS) sa pagtukoy ng kasalukuyan mong posisyon. Ginagamit ng GPS ang mga satellite na umiikot sa Lupa na may altitude na 20,000 km sa bilis na 4 km/s.
Ang kasamang GPS receiver sa Suunto Ambit2 S ay pinahusay para gamitin sa pulsuhan at tumatanggap ito ng data mula sa napakalawak na anggulo.
Suunto Ambit2 S awtomatikong ina-activate ang GPS kapag pipili ka ng sport mode gamit ang GPS functionality, aalamin ang iyong lokasyon, magsisimulang mag-navigate.
Kapag ina-activate mo ang GPS sa unang pagkakataon, o hindi ito ginamit nang matagal na panahon, maaaring mas matagalan ito kaysa dati upang makakuha ng GPS fix. Ang mga susunod na pagpapaandar sa GPS ay mas bibilis na.
Para mapaikli ang kinakaing oras sa pagsisimula ng GPS, hawakan nang nakapirme ang relo nang nakaharap habang nakatihaya ang GPS at tiyakin na ikaw ay nasa bukas na lugar para may malinaw na bista ang relo sa kalangitan.
Ang mga grid ay mga guhit sa isang mapa na tumutukoy sa coordinate system na ginamit sa mapa.
Ang format ng posisyon ay ang paraan kung paano ipinapakita ang posisyon ng GPS receiver sa relo. Lahat ng format ay tumutukoy sa iisang lokasyon, magkakaiba lang ang paraan ng pagpapakita nito. Mapapalitan mo ang oryentasyon ng mapa sa mga setting ng relo sa ilalaim ng General (Pangkalahatan) / Format (Format) / Position format (Format ng posisyon).
Mapipili mo ang format mula sa mga sumusunod na grid:
Suunto Ambit2 S ay sumusuporta din sa mga sumusunod na lokal na grid:
Ang ilang grid ay hindi magagamit sa mga lugar sa hilaga ng 84°N at timog ng 80°S, o sa labas ng mga bansang pinagtatakdaan ng mga ito.
Kapag kino-customize sa pangangailangan ang mga sport mode, maaari mong tukuyin ang interval ng GPS fix gamit ang setting ng katumpakan ng GPS sa Movescount. Kung mas maigsi ang interval, mas mabuti ang katumpakan kapag nag-eehersisyo.
Sa pagpapataas ng interval at pagpapababa ng katumpakan, maaari mong pahabain ang buhay ng baterya.
Ang mga opsyon sa katumpakan ng GPS ay: