Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto Spartan Sport Wrist HR Baro Gabay sa User - 2.6

Compass

Ang Suunto Spartan Sport Wrist HR Baro ay may digital na compass na nagbibigay sa iyo ng kakayahang i-orient ang iyong sarili ayon sa magnetic na hilaga. Ang tilt-compensated na compass ay nagbibigay sa iyo ng mga tumpak na resulta kahit na hindi ganap na nakapahalang ang compass.

Maaari mong puntahan ang compass sa launcher sa ilalim ng Navigation (Pag-navigate) » Compass (Compass).

Kabilang sa display ng compass ang sumusunod na impormasyon:

  • Arrow na nakaturo sa magnetic na hilaga
  • Heading na cardinal
  • Heading sa degrees
  • Oras ng araw (lokal na oras) o level ng baterya; mag-tap sa screen upang magpalit ng mga view

Compass

Upang lumabas sa compass, mag-swipe pakanan o pindutin nang matagal ang button sa gitna.

Habang nasa compass display ka, maaari kang mag-swipe pataas mula sa ibaba ng screen o pindutin ang lower button upang buksan ang listahan ng mga shortcut. Nagbibigay sa iyo ang mga shortcut ng mabilisang access papunta sa mga pagkilos sa pag-navigate gaya ng pagtingin sa mga coordinate ng kasalukuyan mong lokasyon o pagpili ng daanan na ina-navigate.

Compass shortcuts en

Mag-swipe pababa o pindutin ang upper button upang lumabas sa listahan ng mga shortcut.

Pagka-calibrate sa compass

Kung hindi naka-calibrate ang compass, ipo-prompt kang i-calibrate ito kapag pumasok ka sa display ng compass.

Calibrate compass Spartan

Kung gusto mong muling i-calibrate ang compass, puwede mong simulan ulit ang pag-calibrate mula sa mga setting sa ilalim ng Navigation » Navigation settings » Calibrate compass.

Pagse-set ng deklinasyon

Upang matiyak ang tamang reading ng compass, mag-set ng tumpak na value ng deklinasyon.

Ang mga mapang papel ay nakaturo sa totoong hilaga. Ang mga compass naman ay nakaturo sa magnetic na hilaga – isang rehiyon sa itaas ng Mundo kung saan humihila ang mga magnetic field ng Mundo. Dahil wala sa parehong lokasyon ang magnetic na Hilaga at totoong Hilaga, dapat mong i-set ang value ng deklinasyon sa iyong compass. Ang anggulo sa pagitan ng magnetic at totoong hilaga ay ang iyong value ng deklinasyon.

Lumilitaw ang value ng deklinasyon sa karamihan ng mga mapa. Nagbabago taon-taon ang lokasyon ng magnetic north, kaya ang pinakatumpak at updated na declination value ay maaaring makuha sa mga website gaya ng www.magnetic-declination.com).

Gayunman, ang mga orienteering map ay iginuguhit kaugnay ng magnetic na hilaga. Kung gumagamit ka ng orienteering map, kailangan mong i-off ang pagtatama sa value ng declination sa pamamagitan ng pagtatakda sa value ng declination sa 0 degree.

Puwede mo ring itakda ang iyong declination value mula sa mga setting sa ilalim ng Navigation » Navigation settings » Declination.

Table of Content