Bilang karagdagan sa 24/7 na pagsubaybay sa aktibidad, maaari mong gamitin ang iyong relo upang i-record ang iyong mga sesyon sa pagsasanay o iba pang mga aktibidad upang kumuha ng detalyadong feedback at sundan ang iyong pagsulong.
Para mag-record ng ehersisyo:
I-tap ang exercise icon o pindutin ang middle button.
Mag-swipe ng pataas o pababa upang mag-scroll sa mga sport mode at mag-tap sa isa na gusto mong gamitin. O kaya, mag-scroll gamit ang upper at lower button at pumili gamit ang middle button.
Sa itaas ng start indicator, may lalabas na hanay ng mga icon, depende sa ginagamit mo sa sport mode (gaya ng heart rate at nakakonektang GPS). Magfa-flash ang arrow icon (nakakonektang GPS) na kulay gray habang naghahanap at magiging berde kapag nakakita na ng signal. Magfa-flash ang icon na puso (heart rate) nang gray habang naghahanap, at kapag nakasagap na ng signal, magiging may kulay na puso ito na nakakabit sa isang belt kung heart rate sensor ang gamit mo. Kung optical na heart rate sensor ang gamit mo, magiging may kulay na puso ito na walang belt.
Kung gumagamit ka ng heart rate sensor pero naging berde ang icon, tingnan kung nakapares ang heart rate sensor, tingnan ang Pagpares ng mga POD at sensor, at piliing muli ang sport mode.
Maaari mong hintaying maging berde o pula ang bawat icon o magsimulang mag-record agad kung gusto mo sa pamamagitan ng pagpindot sa middle button.
Kapag nagsimula na ang pag-record, mala-lock ang napiling pinanggagalingan ng heart rate at hindi na mababago habang isinasagawa ang session ng pagsasanay.
Habang nagre-record, maaari mong pagpalit-palitin ang mga display gamit ang middle button o sa pamamagitan ng paggamit sa touch screen kung naka-enable ito.
Pindutin ang upper button upang i-pause ang pagre-record. Ihinto at i-save gamit ang ibabang button o ipagpatuloy gamit ang itaas na button.
Kung may mga opsyon ang sport mode na pinili mo, gaya ng pagtatakda ng target na tagal, maaari mong i-adjust ang mga iyon bago simulan ang pag-record sa pamamagitan ng pag-swipe pataas o pagpindot sa lower button. Maaari mo ring i-adjust ang mga opsyon sa sport mode habang nagre-record sa pamamagitan ng pagpindot nang matagal sa middle button.
Habang nagre-record, maaari kang mag-tap sa screen upang palabasin ang pop-up na nagpapakita ng kasalukuyang oras at level ng baterya.
Kung gumagamit ka naman ng multisport mode, magpalit ng mga sports sa pamamagitan ng pagpindot nang matagal sa upper button.
Pagkatapos mong ihinto ang pag-record, tatanungin ka kung ano ang nararamdaman mo. Maaari kang sumagot o laktawan ang tanong. (Tingnan ang Pakiramdam) Pagkatapos, makakakuha ka ng buod ng aktibidad na maaari mong i-browse sa pamamagitan ng touch screen o mga button.
Kung may nai-record ka na ayaw mong i-save, maaari mong i-delete ang log entry sa pamamagitan ng pag-scroll sa ibaba ng buod at pag-tap sa delete button. Maaari mo ring i-delete ang mga log sa parehong paraan mula sa logbook.
Posibleng magtakda ng iba't ibang target gamit ang iyong Suunto Spartan Sport Wrist HR Baro kapag nag-eehersisyo.
Kung may opsyon na mga target ang sport mode na pinili mo, maaari mong i-adjust ang mga iyon bago simulan ang pag-record sa pamamagitan ng pag-swipe pataas o pagpindot sa lower button.
Para mag-ehersisyo nang may pangkalahatang target:
Kapag na-activate mo ang mga pangkalahatang target, ipapakita ang isang target gauge sa lahat ng display ng data na nagpapakita ng iyong pagsulong.
Makakatanggap ka rin ng notification kapag naabot mo ang 50% ng iyong target at kapag nagawa mo na ang pinili mong target.
Para mag-ehersisyo nang may target na intensity:
Maaari kang mag-navigate sa isang ruta o POI habang nagre-record ng isang ehersisyo.
Kailangang i-enable ang GPS sa ginagamit mong sport mode para ma-access mo ang mga opsyon sa pag-navigate. Kung OK o Tumpak ang katumpakan ng GPS sa sport mode, kapag pumili ka ng ruta o POI, mapapalitan ang katumpakan ng GPS at magiging Napakatumpak.
Para mag-navigate habang nag-eehersisyo:
Kung hindi mo pa sinisimulan ang pag-record ng ehersisyo, dadalhin ka ng huling hakbang pabalik sa mga opsyon ng sport mode. Mag-scroll pataas papuntang start view at simulan ang iyong pag-record gaya ng palagi mong ginagawa.
Habang nag-eehersisyo, mag-swipe pakanan o pindutin ang gitnang button upang mag-scroll papunta sa display ng navigation kung saan makikita mo ang pinili mong ruta o POI. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa navigation display, tingnan ang Pag-navigate sa isang POI: at Mga Ruta.
Habang nasa display na ito, maaari kang mag-swipe pataas o maaari mong pindutin ang lower button para buksan ang iyong mga opsyon sa pag-navigate. Mula sa mga opsyon sa pag-navigate, magagawa mong, halimbawa, pumili ng ibang ruta o POI, tingnan ang mga coordinate ng kasalukuyan mong lokasyon, at tapusin ang pag-navigate sa pamamagitan ng pagpili sa Breadcrumb.
Upang mapahaba ang buhay ng baterya habang gumagamit ng mga sport mode na may GPS, ayusin ang katumpakan ng GPS (tingnan ang Katumpakan at pagtitipid ng baterya ng GPS). Upang mapahaba pa ang buhay ng baterya, maaari mong ayusin ang paggamit sa mga sumusunod na opsyon sa power saving:
Upang i-activate ang mga opsyon sa power saving:
Kung naka-on ang timeout ng display, makakakuha ka pa rin ng mga notification sa mobile, maging ng mga alerto sa pamamagitan ng tunog at pag-vibrate. Hindi ipinapakita ang iba pang visual aid tulad ng autopause na pop-up.