Ang iyong relo ay mayroong malawak na hanay ng paunang tinukoy na mga sport mode. Dinisenyo ang mga mode para sa mga partikular na aktibidad at layunin, mula sa isang karaniwang paglakad sa labas hanggang sa isang triathlon na karera.
Kapag nag-record ka ng ehersisyo (tingnan ang Pag-record ng isang ehersisyopuwede kang mag-scroll pataas at pababa para makita ang maikling listahan ng mga sport mode. I-tap ang icon sa dulo ng maikling listahan upang tingnan ang kumpletong listahan at tingnan ang lahat ng sport mode.
Ang bawat sport mode ay may natatanging hanay ng mga display at view. Puwede mong i-edit at i-customize ang impormasyong ipinapakita sa screen sa Suunto app. Puwede mo ring paikliin ang listahan ng mga sport mode sa iyong relo o magdagdag ng bagong mode.
Maaari mong gamitin ang iyong Suunto Spartan Sport Wrist HR Baro para sa paglalangoy sa mga pool o sa openwater.
Kapag gumagamit ka ng sport mode na paglalangoy sa pool, pinagbabasehan ng relo ang haba ng pool upang malaman ang distansya. Maaari mong baguhin ang haba ng pool, kung kailangan, sa ilalim ng mga opsyon sa sport mode bago mo simulan ang paglangoy.
Dumedepende ang paglangoy sa openwater sa GPS upang kalkulahin ang distansya. Dahil hindi tumatagos ang GPS signal sa ilalim ng tubig, kailangang iahon ang relo sa tubig paminsan-minsan, gaya ng sa freestyle stroke, upang makakuha ng GPS fix.
Mahirap ang mga kundisyong ito para sa GPS, kaya mahalaga na may malakas kang signal ng GPS bago ka lumusong sa tubig. Upang matiyak na may mahusay kang GPS, dapat na: