Gamit ang Suunto app, mas mapapalawig mo pa ang karanasan mo sa paggamit ng Suunto Spartan Sport Wrist HR Baro. Ipares ang iyong relo sa mobile app para i-sync ang iyong mga aktibidad, kumuha ng mga notification sa mobile, i-customize ang iyong relo, kumuha ng mga insight sa pagsasanay at higit pa.
Sa anumang ehersisyo na naka-store sa Suunto app, puwede kang magdagdag ng mga larawan pati na gumawa ng mga Relive movie para sa iyong mga sesyon ng pagsasanay.
Hindi ka makakapagpares ng anuman kung naka-on ang airplane mode. Isara ang airplane mode bago ang pagpapares.
Para ipares ang iyong relo sa Suunto app:
Nangangailangan ang ilang feature ng koneksyon sa internet sa pamamagitan ng Wi-Fi o mobile network. Maaaring may mga singil para sa koneksyon ng carrier data.