Inaalam ng GPS fix rate ang katumpakan ng iyong track - kung mas maikli ang interval sa pagitan ng mga fix, mas magiging tumpak ang track. Nire-record ang bawat GPS fix sa iyong log kapag nagre-record ng ehersisyo.
Direkta ring naaapektuhan ng GPS fix rate ang itatagal ng baterya. Kapag binawasan ang katumpakan ng GPS, mas mapapahaba mo ang itatagal ng baterya ng iyong relo.
Ang mga opsyon sa katumpakan ng GPS ay:
Kapag nakatakda ito sa Best (Pinakamahusay), gagamitin ng iyong relo ang GPS sa full power sa lahat ng oras. Sa full power mode, maaalis ng GPS ang interference at makukuha nito ang pinakamahusay na fix. Nagreresulta ito sa pinakamahusay na katumpakan sa track, pero ito ang pinakamalakas gumamit ng baterya.
Sa paggamit ng Good (Mahusay), maaari ka pa ring makakuha ng GPS fix bawat segundo, pero mas mababa ang katumpakan dahil hindi full power ang mode ng GPS sa lahat ng oras. Sa pagitan ng mga fix, nagiging low power ang mode ng GPS sa loob ng ilang sandali, gaya ng inilalarawan sa ibaba.
Pinahahaba nito ang buhay ng baterya, pero ang ibig sabihin nito, mas kakaunti ang panahon ng GPS na maghanap ng magandang fix at mag-alis ng interference. Kaya magiging hindi kasingtumpak ng Best (Pinakamahusay) ang resultang track.
Sa OK, binabawasan ang GPS fix rate sa isang beses bawat minuto. Lubha nitong pinapahaba ang buhay ng baterya, pero nagreresulta naman sa hindi gaanong tumpak na track.
Sa tuwing nagna-navigate ka ng daanan o ng POI, awtomatikong itatakda sa Best (Pinakamahusay) ang katumpakan ng GPS.