Pag-a-adjust ng mga setting
Maaari mong direktang i-adjust sa relo ang lahat ng setting ng relo.
Upang mag-adjust ng setting:
- Mag-swipe pababa hanggang sa makita mo ang icon ng mga setting at i-tap ang icon.
- Mag-scroll papunta sa menu ng mga setting sa pamamagitan ng pag-ii-swipe pataas o pababa o sa pamamagitan ng pagpindot sa button sa itaas o ibaba.
- Pumili ng setting sa pamamagitan ng pagta-tap sa pangalan ng setting o sa pamamagitan ng pagpindot sa button sa gitna kapag naka-highlight ang setting.
Bumalik sa menu sa pamamagitan ng pag-ii-swipe pakanan o pagpili sa Back (Bumalik).
- Para sa mga setting na may hanay ng value, baguhin ang value sa pamamagitan ng pag-ii-swipe pataas o pababa o sa pamamagitan ng pagpindot sa button sa itaas o ibaba.
- Para sa mga setting na may dalawang value lang, gaya ng pag-on o pag-off, baguhin ang value sa pamamagitan ng pagta-tap sa setting o pagpindot sa button sa gitna.
TIP:
Maaari mo ring i-access ang mga pangkalahatang setting mula sa watch face sa pamamagitan ng pagta-tap nang matagal sa screen upang buksan ang menu na in-context.