Ang itatagal ng baterya sa isang pag-charge ay nakabatay sa kung paano ginagamit ang Suunto Ambit2 R. Ang mabababang temperatura, halimbawa, ay nakakabawas sa itatagal ng isang pag-charge. Sa pangkalahatan, ang kakayahan ng mga rechargeable battery ay bumababa habang tumatagal.
Kung sakaling may di-pangkaraniwang pagbaba sa husay ng baterya, sinasagot ng warranty ng Suunto ang pagpalit sa baterya para sa 1 taon o para sa maximum ng 300 na pag-charge, alinman ang mauna.
Ang icon ng bateya ay nagsasaad sa lebel ng karga ng baterya. Kung ang lebel ng karga ng baterya ay wala nang 10%, ang icon ng baterya ay magpapatay-sindi nang 30 segundo. Kung ang lebel ng karga ng baterya ay wala nang 2%, ang icon ng baterya ay magpapatay-sindi nang tuloy-tuloy.
I-charge ang baterya sa pamamagitan ng pagkakabit nito sa iyong computer gamit ang kasamang Suunto USB cable, o i-charge gamit ang USB-compatible na Suunto wall charger. Aabutin nang humigit-kumulang 2-3 oras para ganap na mai-charge ang bateryang walang karga.
Magpunta sa Movescount para baguhin ang GPS fix at dalas ng pag-record ng isang sport mode para makatipid sa baterya. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang Katumpakan ng GPS at pagtitipid ng baterya.