Suunto strebt die Konformitätsstufe AA dieser Website mit den Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 sowie der Erfüllung weiterer Zugänglichkeitsnormen an. Solltest du Probleme mit dem Zugriff auf Informationen auf dieser Website haben, kontaktiere bitte den Kundendienst in den USA unter +1 855 258 0900 (gebührenfrei).

Suunto Ambit2 R Gabay sa User - 2.0

Water resistance (hindi pinapasok ng tubig)

Suunto Ambit2 R ay hindi pinapasok ng tubig hanggang 50 meters/164 feet/5 bars. Ang bilang ng metro ay kaugnay ng aktuwal na lalim ng pagsisid at nasubok sa presyon ng tubig na ginamit sa kurso ng pagsubok sa resistensiya ng Suunto sa tubig.

PAALALA:

Ang pagka-water resistant ay hindi katumbas ng lalim na magagamit para gumana. Ang mga marka para sa pagka-water resistant ay tumutukoy sa pagkasarado laban sa hangin/tubig na nakatatagal sa pag-shower, pagligo, paglangoy, pagsisid sa pool at snorkeling.

Upang mapanatili ang pagka-water resistant, inirerekomenda na:

  • huwag kailanman gagamitin ang relo maliban sa pinaglaanan dito.
  • makipag-ugnayan sa isang awtorisadong serbisyo ng Suunto, distributor o retailer para sa anumang pagkukumpuni.
  • panatilihing malinis at walang lupa at buhangin ang relo.
  • huwag kailanman susubukang buksang mag-isa ang kaha.
  • iwasang sumailalim ang relo sa mabilis na pagbabago ng temperatura ng hangin at tubig.
  • laging linisin ang iyong relo gamit ang tubig tabang kung sumailalim ito sa tubig alat.
  • huwag kailanman ibabangga o ihuhulog ang relo.

Inhaltsverzeichnis