Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto 7 Gabay sa User

Table of Content
Table of Content
  • I-on ang iyong display

I-on ang iyong display

Mag-o-off ang iyong display kung ilang segundo ka nang walang ginagawa sa iyong relo. Bilang default, ang display at mga gesture sa pag-interact sa iyong Suunto 7 ay naka-set up para gumamit ng kaunting baterya sa pang-araw-araw gamit. Para sa pinakamagandang karanasan, gumamit ng default na mga setting para sa Display at Gestures sa mga watch face ng Suunto na naka-optimize ang paggamit ng baterya.

Mga default na setting para sa Gestures sa Suunto 7:

  • Tilt-to-wake naka-off
  • Power saver tilt naka-on
  • Touch-to-wake naka-on

Mga default na setting para sa Display sa Suunto 7:

  • Always-on screen naka-off

Tingnan ang oras
I-on ang display
Ilagay muli sa sleep ang display
I-on ang display habang nasa sports
I-adjust ang mga setting ng display
I-adjust ang mga gesture

Tingnan ang oras

Sa Power saver tilt, puwede mong ipihit ang iyong pupulsuhan para tingnan ang oras nang hindi naa-activate ang iyong relo. Kapag ipinihit mo ang iyong pupulsuhan, liliwanag ang display para mas madaling mabasa ang oras.

PAALALA:

Suunto 7 naka-on ang Power saver tilt bilang default. Kailangan mong gumamit ng watch face na na-optimize ang baterya para magamit ang Power saver tilt.

I-on ang display

Para ma-on ang iyong display at maka-interact ang iyong relo, puwede mong:

  • I-tap ang screen
  • Pindutin ang Power button
  • Ipihit ang iyong pupulsuhan (naka-off bilang default)

wake-up-display

PAALALA:

Para mapahaba pa ang buhay ng baterya, naka-off ang Suunto 7 sa Tilt-to-wake bilang default.

Ilagay muli sa sleep ang display

Para i-off muli ang display, puwede mong:

  • Ihilig ang pupulsuhan palayo sa iyo
  • Takpan ang screen gamit ang iyong kamay sa loob ng ilang segundo
  • Maghintay nang ilang segundo. Awtomatikong didilim ang display kapag hindi ka nakikipag-interact dito.

I-on ang display habang nasa sports

Habang nagre-record ng ehersisyo sa Suunto Wear app, ang display at mga gesture para sa pakikipag-interact sa iyong relo ay ino-optimize para sa sports at pinahabang buhay ng baterya.

Para makita ang iyong mga istatistika habang nag-eehersisyo ka, puwede mong:

  • Ipihit ang iyong pupulsuhan*
  • Pindutin ang Power button

wake-up-display-during-exercise

* Naka-disable habang lumalangoy para mas mapahaba ang itatagal ng baterya.

PAALALA:

Habang nasa sports sa tubig, gaya ng paglalangoy at kayaking, naka-disable ang touch screen para sa Suunto Wear app para hindi magdulot ang tubig ng mga hindi kanais-nais na pagkilos dahil sa pagkakapindot.

Kung lalabas ka sa Suunto Wear app habang nasa anumang ehersisyo (kasama ang paglalangoy), ie-enable ang touch screen.

I-adjust ang mga setting ng display

Ang lahat ng watch face na idinisenyo ng Suunto ay power optimized para ipakita ang oras sa low-power mode nang hindi ina-activate ang iyong watch. Tandaang posibleng hindi na-optimize ang ibang watch face sa parehong paraan.

  1. Habang nasa watch face, mag-swipe pababa mula sa itaas ng screen.
  2. I-tap ang SettingsSettings icon Wear OS » Display.
  3. I-adjust ang mga setting ayon sa iyong mga kagustuhan.
PAALALA:

Para makatipid ng baterya, naka-off sa Suunto 7 ang Always-on screen bilang default.

I-adjust ang mga gesture

Ang paraan ng pag-interact mo sa iyong relo ay nakakaapekto sa itatagal ng iyong baterya. Bilang default, ang mga gesture sa pag-interact sa iyong Suunto 7 ay naka-set up para gumamit ng kaunting baterya para maibigay sa iyo ang pinamagandang pang-araw-araw na karanasan sa iyong relo.

  1. Habang nasa watch face, mag-swipe pababa mula sa itaas ng screen.
  2. I-tap ang SettingsSettings icon Wear OS » Gestures.
  3. I-adjust ang mga setting ayon sa iyong mga kagustuhan.
PAALALA:

Bilang default, sa Suunto 7, naka-off ang Tilt-to-wake, naka-on ang Power saver tilt, at naka-on ang Touch-to-wake.

Table of Content