Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto 7 Gabay sa User

Table of Content
Table of Content

Mga opsyon sa mapa

Baguhin ang istilo ng mapa
Mag-download ng custom na offline na mapa

Baguhin ang istilo ng mapa

May iba’t ibang istilo ng mapa ang Suunto Wear app. Para magbago ng mga istilo ng mapa:

  1. Pindutin ang kanang button sa itaas para buksan ang Suunto Wear appsuunto-wear-app-icon.
  2. I-swipe pataas ang menu at pumunta sa Map optionsmap-options-icon » Map style.
  3. Tingnan ang listahan at piliin ang mas gustong istilo ng mapa.

Baguhin ang istilo ng mapa habang nag-eehersisyo

  1. Pindutin ang gitnang button o mag-swipe pakaliwa o pakanan hanggang makita mo ang map view.
  2. Habang nasa map view, pindutin nang matagal ang ibabang button o mag-swipe pataas mula sa ibaba ng screen para baguhin ang istilo na mapa.

suunto-wear-app-exercise-enter-map-options

  1. Mag-browse sa listahan para maghanap ng istilo ng mapa o ng heatmap na gusto mong gamitin. Puwede kang mag-scroll gamit ang mga button o pumindot.
  2. Pindutin ang gitnang button o mag-tap para pumili ng bagong istilo ng mapa.
  3. Magpatuloy sa pag-explore, awtomatikong magsasara ang menu pagkatapos mong pumili!

Mag-download ng custom na offline na mapa

suunto-wear-app-offline-area-selection

Bilang karagdagan sa awtomatikong pag-download sa mga lokal na mapa, hinahayaan ka ng Suunto Wear app na mag-download ng custom na offline na mapa para sa iyong mga adventure. Halimbawa, kung hindi ka sigurado kung may available na Wifi network sa pupuntahan mong lugar, puwede ka munang mag-download ng mapa para sa lugar na iyon.

  1. Siguraduhing nakakonekta ang iyong relo sa Wifi.

wear-os-confirm-wifi-offline-maps

  1. Pindutin ang kanang button sa itaas para buksan ang Suunto Wear app suunto-wear-app-icon.
  2. I-swipe pataas ang menu at pumunta sa Map optionsmap-options-icon » Offline map.
  3. Mag-zoom sa mapa gamit ang kanang button sa itaas at sa ibaba

suunto-wear-app-offline-area-selection-gestures

  1. Para kumpirmahin, i-tap ang check mark o pindutin ang gitnang button.

suunto-wear-app-offline-area-selection-confirm

  1. Awtomatikong magda-download ang mapa kapag nagcha-charge ang relo at nakakonekta sa Wifi.
  2. Makakatanggap ka ng notification sa iyong relo kapag na-download na ang mapa.

suunto-wear-app-custom-offline-map-notification

PAALALA:

Kasama ang lahat ng istilo ng heatmap sa pag-download.

PAALALA:

Puwede kang mag-save ng isang custom na mapa sa iyong relo sa bawat pagkakataon.

Table of Content