Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto 7 Gabay sa User

Table of Content
Table of Content

Google Fit

google-fit-intro

Ang Google Fit™ ay isang tracker ng aktibidad na gumagabay sa iyo tungo sa buhay na may mas magandang kalusugan at mas aktibo sa pamamagitan ng mga layunin ng aktibidad, gaya ng Heart Points –– dinisenyo base sa mga rekomendasyon mula sa World Health Organization at ng American Heart Association.

Sa Google Fit, magagawa mong:

  • Magtakda ng mga layunin na nakatuon sa personal na fitness
  • Subaybayan ang iyong pang-araw-araw na aktibidad at pag-usad sa pamamagitan ng Heart Points
  • Makita ang bilang ng iyong mga hakbang at na-burn na calories sa isang tingin lang
  • Subaybayan ang iyong pang-araw-araw na heart rate at ang history nito
  • Mag-relax at abutin ang kalinawan ng diwa sa pamamagitan mga ehersisyo sa paghinga
  • Makatanggap ng mga paalala, naka-customize na tip, at paggabay para manatili kang motivated
  • Ibahagi ang iyong impormasyon sa fitness sa iba pang app at device na ginagamit mo para manatiling malusog

Para sa higit pang tulong sa Google Fit, bumisita sa:

Tulong sa Google Fit

Magsimula sa Google Fit

google-fit-wear-os-app-menu

Naka-install nang kasama sa iyong Suunto 7 ang Google Fit. Buksan ang Google Fit app sa iyong relo at mag-sign in gamit ang iyong Google account para magsimula.

Para subaybayan ang iyong arawang pag-usad sa aktibidad sa iyong relo:

  • Mag-swipe pakaliwa para makita ang iyong mga pang-araw-araw na sukatan sa Fit Tile.
  • I-tap ang Fit Tile para buksan ang Google Fit app para sa higit pang detalye gaya ng heart rate sa araw-araw.
  • Idagdag ang iyong mga layunin sa aktibidad o mga pang-araw-araw na sukatan, gaya ng mga hakbang o calories, sa iyong watch face para subaybayan ang iyong pag-usad.

Ikonekta ang Suunto sa Google Fit

Puwede mo ring ikonekta ang Suunto sa Google Fit sa iyong relo para makita kung paano nakakaapekto sa iyong mga pang-araw-araw na layunin sa aktibidad ang iyong mga ehersisyong na-record sa Google Fit app.

Ikonekta ang Suunto sa Google Fit

Kunin ang Google Fit sa iyong telepono

Pumunta sa Google Play Store o sa App Store para mag-download ng Google Fit sa iyong telepono para subaybayan ang iyong kalusugan at tingnan ang iyong buwanan, lingguhan, at arawang pag-usad sa iyong mga layunin sa aktibidad.

Table of Content