Suunto 7 Gabay sa User
- Makinig sa musika nang wala ang iyong telepono
Makinig sa musika nang wala ang iyong telepono
Suunto 7 ay kayang mag-store ng libo-libong kanta para puwede kang makinig sa iyong mga paboritong kanta o ibang audio on the go – nang wala ang iyong telepono.
Makinig sa musika nang wala ang iyong telepono
- isang music app sa iyong watch na sumusuporta sa offline na paggamit
- Bluetooth headphones na nakakonekta sa iyong relo
Ikonekta ang headphones sa iyong relo
Mahabang ehersisyo at musika
Ikonekta ang headphones sa iyong relo
Kailangan mo ng Bluetooth headphones para makinig ng musika o iba pang audio sa iyong relo.
Para ikonekta ang iyong headphones sa iyong relo:
- Sundin ang mga hakbang na ibinigay kasama ng iyong Bluetooth headphones para mailagay ito sa pairing mode.
- Habang nasa watch face, mag-swipe pababa mula sa itaas ng iyong screen at i-tap ang Settings
.
- Pumunta sa Connectivity » Bluetooth » Available devices.
- Maghahanap ang iyong relo ng mga device sa malapit. Kapag nakita mo ang pangalan ng headphones, i-tap ang pangalan para kumonekta. Kokonekta na sa headphones ang iyong relo.
Mahabang ehersisyo at musika
Malakas kumonsumo ng baterya ang pakikinig sa musika nang direkta mula sa iyong relo gamit ang Bluetooth headphones at mas mabilis nitong mauubos ang baterya. Mainam itong tandaan kapag nagpaplano kang mag-record ng mas mahahabang ehersisyo.
Alamin kung paano mama-maximize ang buhay ng baterya habang nag-eehersisyo